Shaina naging wild nang makipaghiwalay kay John Lloyd

MANILA, Philippines - Grabe naman ang halikan nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa nagwawagi sa national TV ratings na panghapong OFW-serye ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo. Ito kaya ang epekto nang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz?

Anyway, base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Martes (Hunyo 19), nakuha ng teleserye ang ika-10 pwesto sa top 20 overall TV programs sa bansa taglay ang 13.7% national TV ratings.

Uumiinit na nang umiinit ang mga eksena sa pagitan ng mga karakter ng mag-asawang Sarah (Shaina) at Paul (Jake) at nang mapangahas na kabit ni Paul na si Mia (Bangs Garcia). Ngayong pinagbubuntis na ni Mia ang bunga ng pangangaliwa nila ni Paul, paano na si Sarah na umaasang maisasalba pa ang relasyon nila ng asawa? Paninindigan ba ni Paul si Mia o mas pipiliing buuin ang nawasak na pangako kay Sarah?

Mapapanood ang Kung Ako’y Iiwan Mo, 3:30 p.m. pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. 

Elmo Magalona hindi pa makapag-decide kung anong gustong gawin

 Malayo na rin ang narating ni Elmo Magalona sa kanyang showbiz career. Pero kahit pa meron na siyang kauna-unahang rap single na Three Stars and a Sun ay mas gusto pa rin ni Elmo na maging kumpletong artista.

Maliban sa pagiging recording artist, commercial model at host sa GMA 7 variety show na Party Pilipinas, ay kasama ni Elmo si Julie Anne San Jose sa pelikulang Just One Summer.

“I really can’t decide on which one I want be known for because acting, hos­ting, dancing and modelling are all packaged under entertainment. And an entertainer is what I want to be,” wika ni Elmo.

“Of course, there is pressure (being the son of the Philippines’ master rapper Francis Magalona), but that only makes me want to work harder and do better with my work.”

Malaking bagay din ang pagiging brand ambassador niya sa Magnolia Ice Cream.

“It was very much unexpected. Being part of a family who loves sweets, I really enjoyed eating Magnolia Ice Cream growing up. My parents would always buy a tub everytime there was a birthday or any type of celebration in the house,” kuwento pa ng binata.

Ine-endorse niya ang mga produkto ng Magnolia Ice Cream Frozen Delights na Fizz Rootbeer Float at Cookie Monster.

“We saw early on that Elmo’s image fit our new products,” ayon kay Magnolia Ice Cream Group Product Manager Jen Chang. “Like Elmo, the new flavors are unique, young, fresh, and very much exciting.”

Maliban sa endorsement niya ay siguradong kapana-panabik din ang kanyang role sa Just One Summer. Sa darating na mga panahon ay gusto niya ring makakuha ng serious roles.

“Like the role of a young father. I believe this will improve my acting skills,” pagtatapos niya.

Julie Anne maligaya sa resulta ng Together Forever!

Last Sunday umere ang kauna- unahang episode ng Together Forever at maganda ang naging pagtanggap ng mga viewers, lalo na ang mga fans ng JuliElmo love team. Masaya rin ang pakiramdam ni Julie Anne sa resulta ng pilot episode. “Masaya po ako dahil sinuportahan kami ng mga tao, at mas lalo pang masaya dahil mataas ang ratings noong pilot episode,” ani ni Julie Anne. Hoping at praying si Julie Anne pati na rin ang buong cast ng Toge­ther Forever na magtuloy-tuloy ang supporta ng mga fans at pipilitin nilang lahat na pagbutihin pa para sa mas ikagaganda ng show.

Ngayong Linggo sa Together Forever, parehong may problema sa pamilya nila ang mag-parekoy na sina Toyang (Julie Anne) at Ely (Elmo). Buti na lang at nandiyan sila para sa isa’t isa. Ely comforts Toyang at ipaparamdam niya rito na hindi siya nag-iisa. Ely kisses Toyang’s tears away at dahil dito, mare-realize ni Toyang ang kanyang tunay na nararamdam para kay Ely.

Lalo pang bibilis ang tibok ng kanyang puso matapos aminin ni Ely na inspired din siya ngayon. Magtapat na nga kaya ng true feelings si Ely? Mag-level up na nga kaya ang friendship ng mag-parekoy na sina Ely at Toyang?

Alamin sa Together Forever ngayon Linggo, June 24, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA.

Charice nakipagtawaran kay banker

Nakatakdang hanapin ng international singing sensation na si Charice ang ‘x factor’ sa Pinoy ta­lents bilang celebrity judge-mentor sa biggest musical event ng taon na The X Factor Philippines.

Pero bago niya kilatisin ang susunod na singing­ superstar, susubukan niya munang makuha ang tamang briefcase na naglalaman ng P2 milyon ngayong Sabado (June 23) sa hit game show na Kapamilya Deal or No Deal.

Sa isang rare TV appearance, si Charice ay game na game na makikipagtawaran kay Banker at makikipagkulitan sa host na si Luis Manzano.

Bagamat sanay nang humarap sa international audience ay bumigay pa rin sa tensiyon ng laro ang Pinoy pride at dinaan na lang sa pagkanta, pagsayaw, at pagbibiro para mawala ang kaba. 

Palarin kaya si Charice na maging pinakaunang milyonaryo ng edisyong ito?

Show comments