Slater Young may handang sorpresa para sa Fiestavaganza Fes­tival sa Tacloban

MANILA, Philippines - Excited si Slater Young kasama ang batikang aktor na si Piolo Pascual at magandang aktres na si Denise Laurel sa pagbisita ng Kapamilya Karavan sa Tacloban para sa Fiestavaganza Fes­tival ngayong Sabado (June 23).

Ayon kay Slater, hindi ito ang unang beses na bumisita sila sa mga Kapamilya fans pero overwhelmed pa rin siya sa tugon ng fans sa kanila. 

Sa Tacloban ang sunod na da­dayuhin nina Slater para sa Kapamilya Karavan kasama ang Nang Dahil sa Pag-ibig stars Piolo Pascual at Denise Laurel. “Marami po kaming inihandang sorpresa para sa mga Kapamilya natin diyan sa Tacloban,” ani Slater.

Nang tanungin kung ano ang pinaka-paborito niya sa mga out-of-town events tulad nito, sinabi ni Slater, “Yung pagkain! Lagi kasing special yung handa nila sa pag-welcome sa amin. Syempre enjoy na enjoy din kami pag-nakikisaya sa mga taong sumusuporta sa amin.”

Show comments