Hindi kami sure kung nakapasa, pero isa sa mga nag-audition sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ay anak ng isang may mataas na posisyon sa gobyerno. Tiyak na hindi ang apelyedo ng ama ang dala ng bata kaya kundi siya kilala, hindi malalaman kung sino ang maimpluwensiya at controversial niyang ama.
In fairness, kahit may konek sa showbiz at madali na sa dalagita ang makapasok kahit hindi mag-audition, hindi nito ginamit ang koneksiyon at naghirap pumila SM Mall of Asia sa audition last Monday.
Ngayong gusto nang mag-showbiz ng dalagita, handa na kaya ang kanyang ina na pakialaman ng press ang buhay ng anak?
Teka, may pahintulot kaya sa ama ng bata ang pagsu-showbiz nito?
Aiza malaking-malaki ang bilib kay Krizza
Malaki talaga ang bilib ni Aiza Seguerra kay Krizza Neri sa kuwento nito sa launching ng self-titled album ng Protégé winner. Second day pa lang ng contest, gusto na niyang igawa ito ng album dahil gusto niyang marinig ang boses at kumanta.
Si Aiza na rin ang nag-produced ng 11-track album ni Krizza under her own Blackbird Music label. Sinulat din niya ang mga kantang Kung Malalaman Mo at Look My Way at kinausap ang mga kaibigang mag-contribute ng compositions.
Ginawa ni Nyoy Volante ang No More You and Me, Dahil Sa ‘Yo ni Laarni Macaraeg, French Fries and Coke at Don’t Be Too Much ni Jude Thaddeus Gitamondoc at ang Kung Malalaman Mo ni Maestro Ryan Cayabyab. Ang Ba’t Di Ko Pa Nasabi ang carrier single ng album, kung kami ang pinapili, Narda ang gagawin naming carrier single dahil malakas ang recall.
Patunay pa sa suporta ni Aiza kay Krizza, ang pagpayag niyang mauna ang name at picture sa title ng concert tour nilang The Protégé & The Mentor na magsisimula sa July 13 sa CSI Dagupan. Promo na rin ito ng album ni Krizza.
Heto pa, ang picture sa album cover ni Krizza ay kuha ni Aiza, sumingit ito kay Mark Nicdao sa pictorial ni Krizza at dahil lumabas na maganda ang picture, ‘yun na ang ginamit sa album. Sa Party Pilipinas ilu-launch ang album ni Krizza, hindi makakapunta si Aiza dahil nasa ASAP siya.
Samantala, nakiusap si Aiza na tigilan na ang pagkukumpara sa kanila ni Charice. Tao raw siya, hindi term at hindi rin verb. “Kung ano gusto ni Charice sa buhay niya, let her be. ‘Wag siyang ihalintulad sa akin, ako si Aiza, siya si Charice,” pakiusap ni Aiza.
Kylie nag-regret sa ex!
Parang may gustong sabihin ang tweet ni Kylie Padilla na “Happy birthday to my dearest brother. I love u Ali baby, you’re the only boy I’d never regret loving.”
Parang may gustong patamaan si Kylie sa kanyang tweet ano? Pero ‘pag tinanong ito tungkol dito, tiyak na magdi-deny na may pinariringgan siya. Hahaha!
Anyway, sa Party Pilipinas muna napapanood si Kylie habang wala pang soap. Nag-request daw ito sa GMA 7 management kung puwedeng light muna ang next project niya.