ZsaZsa hindi naging madamot

Marami ang nabahala sa biglang pagiging kritikal ng lagay ng comedy king na si Dolphy na isang araw lamang gumanda ang kalagayan sa ICU ng Makati Med. Habang sinusulat ito ay dasal na lamang at isang himala ang inaasahan ng mara­ming nagmamahal sa aktor na ilang panahon ding nagpasaya sa mga manonood sa malaking telon at maging sa maliit na screen ng telebisyon.

Para mamintina ang kaayusan at hindi makakuha ng iba’t ibang pahayag tungkol sa kondisyon ng ‘hari,’ itinalaga ng pamil­ya si Eric Quizon para magsilbing tagapagsalita ng pamil­ya, lalo na ng media na uhaw sa balita tungkol sa kalaga­yan ng komedyante na hanggang nung Miyerkules ay nagagawa pang maki­pag-communicate sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkilos ng ulo nito at pagpisil sa kamay ng sinumang may hawak ng kanya.

At kahit ilan lamang sa kanila ang maaring makapasok ng kanyang kuwarto, ay nagkakasya na lamang na silipin siya sa bintana ng kanyang kuwarto. Hindi naman naging maramot si Zsa­Zsa Padilla dahil tuluyang binuksan nito ang kurtina ng bintana para makita ng lahat ng gustong makita si Dolphy.

Audition ng AA, naging ‘That’s’ ang dating

Halos lahat ng pumunta ng Smart-Araneta Coliseum para mag-audition sa Artista Academy na itinataguyod ng TV5 ay nagsabing ang pinupuntirya nila talaga ay ang halagang P10 milyon na ipagkakaloob sa isang babae at lalaki na masu­werteng mapipili sa katapusan ng search. Sa ngayon ay may 300 kabataan ang pumasa sa audition pero liliit ang bilang nito sa 100 hanggang sa mapili ang 16 na siyang bubuo ng Artista Academy

Marami sa nag-audition sa AA ay anak at kamag-anak ng mga dating artista at celebrities. Naalala ko tuloy ang That’s Entertainment na siyang may hawak ng orihinal na konsepto na kunin ang mga anak, kapatid, at malapit na kamag-anak ng mga dating artista. Sa ganito nagsimula ang programa ni Kuya Germs sa GMA 7 na 10 taon din ang itinagal sa ere at kung saan unang nakita sina Francis Magalona (SLN), Sheryl Cruz, Tina Paner, John Hernandez (SLN), Lotlot de Leon, Ramon Christopher, JC Bonnin, atbp. Nakita sa audition ng AA ang anak ng basketbolistang si Alvin Patrimonio, Chris Gutierrez, Adrian Oropesa, mga kapartid nina Gerald Anderson, Aljur Abrenica, Kean Cipriano, at Chariz Solomon.

Ang Artista Academy ay iho-host nina Marvin Agustin at Cesar Montano na mapapanood na sa susunod na buwan.

Gina Alajar hindi na lalayasan ang kapuso

Si Kuya Germs mismo ang nagsabi na hindi na matutuloy ang paglipat ng alaga niyang si Gina Alajar sa TV5. Dati ay hinihintay na lamang ng magaling na aktres at direktor na matapos niya ang kanyang trabaho sa Hiram na Puso at iiwan na niya ang Kapuso Network. Nagbago na ito ng isip at nagpasyang manatili ng GMA7 na kung saan ay hindi naman siya nawawalan ng proyekto hindi lamang sa pag-arte kundi bilang direktor din.

Maganda ang role niya sa serye na pinagbibidahan ni Kris Bernal. Hindi niya ito maiwan-iwan dahil maapektuhan ang palabas kung mawawala siya. Hindi naman niya akalain na magbabago ang kanyang isip at magdi-decide na manatili na la­mang bilang Kapuso sa pag­wawakas ng ser­ye in two weeks time. Isa rin si Gina sa magsisil­bing mentor sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, isa ring artista search ng Ka­­pu­so Net­work na hindi pahuhuli sa rami ng mga nag-o-audition.

Show comments