PIK: Ayaw nang patulan ni Roderick Paulate ang intrigang hinaharap nito sa pulitika. Nangunguna pala siya ngayon sa survey kaya meron talagang patuloy na naninira para hatakin siya pababa. Kaya mas minabuti nitong manahimik na lang.
“I’ll just answer that in the proper venue. ’Yun lang muna,” pahayag ng actor-politician.
Aminado siyang apektado siya sa mga paninirang ito pero nakikita naman na tuloy pa rin ang trabaho niya at lalo pa siyang tumataas sa survey. Kaya hinahayaan na lang niya ito at mas gusto niyang manahimik na lang muna.
Mas nakatutok pa ngayon si Roderick sa trabaho niya bilang konsehal ng District 2 ng Quezon City at sa showbiz naman ay enjoy siya sa taping ng Tweets For My Sweet at isa siya sa mentors ng Protégé: The Biggest Artista Break.
Ayon kay DJ Mo, makakabuo ka ng tamang desisyon pagkatapos mong mag-masturbate. Nakaka-relax daw ang masturbation na pagkatapos nito ay maaayos ang impulse at mas kalmado na. Kaya madalas daw na tama ang desisyon pagkatapos mong magsariling sikap.
Curious tuloy kami kung ginawa nga ba niya ’yun bago siya nakipagkalas sa mga karelasyon niya at nung napagdesisyunan niyang mag-base na sa Amerika.
BOOM: As of presstime ay nakatutok pa rin ang lahat sa tunay na kalagayan ni Dolphy. Hindi pa natin tiyak kung ano na ang mangyari sa kanya pero nagpahayag naman si Eric Quizon na nakahanda naman sila kung ano na ang mangyari sa kanya.
Kung anuman ang mangyari sa Comedy King napag-usapan na ng buong mag-anak kung ano ang kanilang gagawin.
Pati mga malalapit na kaibigan ay tumutulong sa pag-asikaso kung saan ito ilalagak.
Pero nandiyan pa rin ang pag-asa at patuloy na pagdarasal na malagpasan ito ni Mang Dolphy. Humihingi pa rin ng milagro ang buong mag-anak na sana makasama pa nila ito ng matagal.
Ang dalangin din namin na sana hindi na rin gaanong mahirapan si Dolphy. Kung anuman ang pasya ng Poong Maykapal ay sana maging magaan ito sa kanya at sa buo niyang pamilya.
Samantala, napag-usapan na rin ng ilan pang anak ni Dolphy na nasa Amerika na kung anuman ang mangyari ay hindi na sila uuwi dahil nadalaw na nila ito kamakailan lang. Ang pagkakaalam namin, ’yung isang anak lang niya sa Amerika ang uuwi rito.
Mahirap pang pag-usapan ang ilang detalye pero nakahanda naman ang lahat. Medyo emotional si Eric tuwing nagsasalita ito sa media at maging ang buong kaanak.
Si Zsa Zsa Padilla naman ang nakatutok sa Comedy King at lagi itong nasa tabi at hindi niya iniiwan ang kinakasama.