Sa kabila ng kapahamakang inabot nila, may dapat pa ring ipagpasalamat ang mga taga-Sarangani dahil ang kumakatawan sa kanilang lalawigan sa Kongreso ay may kakayahang tumulong at hindi madamot.
Paano naman ‘yun iindahin samantalang nakabili nga siya ng sariling helicopter.
Ang halaga na nabalita sa TV, P18 M.
Wow talagang mayamang-mayaman na si Manny. At dolyares ang kayamanan niya ha. Hindi basta peso lang.
Sunshine mas bagay na tumutok na lang sa pamilya
Lalo nang lumiit ang tsansa ni Sunshine Dizon na mabalikan ang kanyang pag-aartista ngayong nakapanganak na naman siya.
Yes, nagsilang ng kanyang ikalawang supling ang magaling na artista na nung iisa pa lamang ang anak ay nagbalak na balikan ang showbiz. Nagpapayat na lamang sana siya. Hindi niya ini-expect na agad masusundan ang kanilang panganay.
Ngayong mommy na uli siya, mabalikan pa kaya niya ang dating trabaho? Baka hindi na, ’di ba? ’Yung iisang anak ay problema nang iwan, ’yun pa kayang dalawa na?
Siguro dapat nang kalimutan ni Sunshine at mag-concentrate na lamang sa pagiging asawa’t nanay. Afford naman ang mister niya na itaguyod sila.
Anyways, nariyan naman yata lagi si Mommy Dorothy para alalayan siya at tulungan sa pag-aalaga ng kanyang mga anak. Diyan ka na lang muna anak sa pamilya mo. Tahimik pa ang buhay mo.
Mahihilig sa foreign acts mas pinag-iinteresan si Jessica Sanchez kesa kay david Cook
Maasahan ba nating umingay pa ang concert dito ng isang winner ng American Idol (AI) na si David Cook? Unang-una na hindi niya first time ito.
Nakapag-perform na rin siya rito noon. Marami ang hindi na excited sa kanya.
Ikalawa ay sa excitement na ibinigay dito ng 11th season ng AI na kung saan ay nanalo si Phillip Phillips at naging runner-up si Jessica Sanchez. Mukhang inabot ng programa ang kanyang kasikatan sa season na ito kaya hindi gaanong nabibigyang pansin si David Cook.
Dapat nga itodo ang promo ng concert para makuha ang interes at atensiyon ng mga Pinoy na mahilig sa mga foreign acts. Baka ’yung tour ng American Idol 11, ’yun baka dagsain pa.