^

PSN Showbiz

Bukod pa kay Jolo, Jodi nakahanap na ng ipapalit sa dating asawa

- SVA - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Parang walang epekto kay Jodi Sta. Maria ang ginagawang pag-iingay ng starlet na si Iwa Motto.

Aba imbes na ma-imbyerna, heto at may bagong programa siya sa ABS-CBN.

Yes, at meron siyang ka-loveteam.

Magbubukas na sa Hulyo ang seryeng Be Careful With My Heart na mapapanood sa mapangahas nitong timeslot sa Prime-Tanghali. Tampok sa upcoming drama series ang kauna-unahang pagtatambal nina Jodi at Richard ‘Papa Chen’ Yap na bibigyang buhay ang mga karakter nina Maya at Mr. Lim na mula sa unang pagtatagpo ay mala-aso’t pusa na ang samahan.

Pero paano magiging susi ang mayamang biyudong si Mr. Lim sa ultimate dream ng probinsiyanang si Maya na maging flight stewardess?

Anyway, kung meron Iwa ang ex husband ni Jodi balitang namang seryoso na rin ang relasyon nina Jodi at Brgy. Captain Jolo Revilla.

Kabayan ng DZMM, wagi ng bronze medal sa New York Festivals

Nanguna ang DZMM sa prestihiyosong 2012 New York Festivals (NYF) International Radio Program & Promotion Awards matapos magkamit ang programa nitong Kabayan ng Bronze World Medal sa kategoryang Best Public Affairs Program.

Ang programa ni ‘Kabayan’ Noli De Castro ang natatanging kalahok sa kumpetisyon mula sa Pilipinas na nagwagi para sa serye nito ng pagtulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa kaguluhan sa Syria noong Enero.

Ayon kay Kabayan Noli, ang karangalang ibinigay ng NYF ay patunay lamang na ginagampanan ng DZMM ang tungkulin nitong pagsilbihan ang mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Aniya, “prinsipyo na ng DZMM na ma­ging boses ng mga Pilipino. Ito ang uri ng serbisyo-publikong mayroon tayo – kailan man, kahit saan, mayroon kang kabayang maaasahan.”         

Dagdag ni Kabayan, pinatitingkad ng pagkila­lang ito mula sa isang pandaigdigang award-giving body ang kahalagahan ng pagtulong sa ating mga kababayang dumaranas ng paghihirap at nalalagay sa panganib. 

“Ang masakit na katotohanan ay mara­ming Pinoy ang nangingibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ngunit tayo sa DZMM ay patuloy na magsisilbing tagabantay para sa kapakanan ng ating mga bagong bayani,” sabi pa niya. 

Ang Kabayan ay nagsilbing tulay ng mga Pinoy worker sa iba’t ibang panig ng Syria para makahingi ng tulong sa Department of Foreign Affairs, kabilang na ang OFW na si Gande Das na halos araw-araw na tinawagan ng programa upang mapakalma lalo’t nagbanta itong tatalon mula sa gusaling tinutuluyan ng kanyang mga amo para makatakas at makabalik ng Pilipinas. Napauwi na ng Philippine embassy sa Damascus si Das at iba pang mga OFW.         

Sa loob ng 53 taon, binibigyang parangal ng NYF International Radio Program & Promotion Awards ang mga natatanging programa sa radyo sa lahat ng uri ng format mula sa mga radio station, network at independent producers sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ang Kabayan ay napapakinggan sa DZMM Radyo Patrol 630 at napapanood sa DZMM Tele­radyo (SkyCable Ch 26), Lunes hanggang Biyernes, tuwing 6:00 a.m.

Pacman ‘tinalo’ ni Mayweather

Pinangunahan ng GMA Network ang isang grand homecoming party para sa Kapuso boxing champion na si Manny “Pacman” Pacquiao nitong June 16 sa Midas Hotel. Dumalo sa pagtitipon ang mga top officer ng Kapuso Network para salubungin ang host ng GMA Saturday game show na Manny, Many Prizes. Nasa larawan si Pacquiao (second from left) kasama sina (from left) GMA Network President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Network Chairman and CEO lawyer Felipe L. Gozon, at GMA Network EVP at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong

Siyanga pala, dineklarang pangalawa sa pinakamayang atleta si Pacman ayon sa Forbes. Nanguna si Floyd Mayweather Jr. na kasalukuyang nasa kulungan. Ayon sa report meron $62 million ang Pinoy boxing champion. Pangatlo si Tiger Woods.

Teka, hindi kaya magreklamo dito si Pacman?

Naalala kong may isang Pinoy na nakasama sa listahan ng Forbes na nagrereklamo. Hindi daw ganun kalaki ang yaman niya tulad nang nadeklara sa Forbes.

Hmmm. Let’s wait.

ANG KABAYAN

INTERNATIONAL RADIO PROGRAM

JODI

KABAYAN

MR. LIM

PACMAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with