Pero pinayuhan ng doktor na mamahinga muna, Sunshine nanganak na naman!

PIK: Patalbugan ngayon ang Protégé ng GMA 7 at ang Artista Academy ng TV 5 sa mga nag-audition para sa naturang talent-reality search.

Sa Smart-`Araneta Coliseum ang audition ng Artista Academy at sa SM-MOA naman ang sa Protégé.

Pero panghuling audition na ‘yung sa Protégé, habang isahang audition lang ang sa Artista Academy kaya napuno ang Smart-Araneta Coliseum.

Kaya halos lahat na talent managers ay nilalagare na sa audition ang kanilang mga talents.           

Ang labanan na lang dito ngayon ay kung alin ang mas malaking premyo at kung aling search ang may potential na makapagpasikat ng isang baguhang artista.

PAK: Nakaka-turn off itong kilalang aktor na nag-guest sa programa ng isang kilalang male celebrity.

Pinakiusapan si aktor na mag-surprise guest kay male celebrity na pumayag naman pero naningil pala ito ng mahigit 50 thousand pesos na talent fee.

Nang sinalang ito, eklay nito kay sikat na male celebrity, nang pinakiusapan daw siyang mag-guest sa programa nito, kaagad siyang pumayag dahil gusto raw niyang personal itong batiin.

Tumaas ang kilay ng mga staff dahil malaki-laki raw ang talent fee na hinihingi at gusto raw makuha kaagad sa payday kahit tapos na ang cut-off.

Pero ang the height, pagkatapos ng programa, binulungan daw ni kilalang aktor itong kilalang male celebrity na humihingi siya ng tulong pinansiyal sa malaking proyektong gagawin niya. Napilitan namang umoo ang kilalang male celebrity.

BOOM: Nanganak na pala si Sunshine Dizon nung nakaraang June 2 ng isang malusog na baby boy.

Iniluwal niya ito via caesarian section at ang sabi raw ng doktor magpahinga na raw muna ang aktres sa pagbubuntis. Baka hindi na raw nito kakayanin kung ma-caesarian siya uli.

Masayang-masaya ang buong pamilya sa pagdating ng bagong baby nina Sunshine at Timothy Tan dahil baby boy na ito.

Pinangalanan daw nilang Antonio kuha sa lolo ni Timothy.

Show comments