^

PSN Showbiz

Binulungan ng mga anak! Dolphy lumalaban pa, pero hindi nagre-respond!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Habang sinusulat ang balitang ito ay very cri­tical ang kondisyon ang Hari ng Komedya na si Dolphy. Binigyan na rin daw ito ng 24 hours ayon sa isang malapit sa pamilya.

Mismong ang anak niyang si Eric Quizon ang nagsabi at patuloy na nanghihingi ng dasal para sa kanyang ama na bumaba ang Hemoglobin at kailangan ng B plus blood. Nagkaroon na rin umano ng kumplikasyon sa kidney at maging ang ibang vital organs ng komedyante ay pumapalya na. Pero ayon kay Eric, ginagawa naman ng mga doctor sa Makati Med ang lahat. “Even if he’s not responding, alam namin na lumalaban siya. Alam namin he’s still hanging on,” sabi pa nI Eric sa isang interview.

 Dumating na rin daw lahat ng anak ni Mang Dolphy galing Amerika at bumulong na ang mga ito sa kanilang ama.

May isa lang daw hinihintay na hindi mabanggit ng kausap ko kung anong pangalan. Pero ‘yung nurse daw na anak na nakabase sa Amerika ay nandito na.

Ang suspetsa ng kausap ko, ayaw pang ‘umalis’ ni Mang Dolphy dahil hindi natupad ang matagal niyang pangarap noon pa na mapakasalan ang kinakasama niya ng mahabang panahon na si Zsa Zsa Padila na siya ngayong punong abala sa pag-aalaga sa Hari ng Komedya.

Noong Sabado pa isinugod sa Makati Medical Center si Mang Dolphy. At ang kalagayan daw nito kahapon ang pinaka-critical simula nang magkaroon ito COPD.

Nahirapan siyang huminga noong Sabado kaya nilagyan siya ng respirator. Pero tinanggal din naman.

Pero bumaba nga ang hemoglobin nito noong isang araw kaya kinailangang salinan ng dugo.

Kahapon ay dumagsa rin ang maraming media sa Makati Med para abangan ang mga bagong balita sa kalagayan ni Mang Dolphy na nag-trend kahapon sa Twitter. Pray for Dolphy ang ginamit nilang hast tag kaya naman maraming nagdasal sa hari ng komedyante kahapong-maghapon.

Dahil Jehova’s Witnesses, Direk Mario O’hara may acute leukemia pero ayaw magpasalin ng dugo

Bukod sa hindi magandang balita kay Mang Dolphy, kahapon ay may nagsabi rin na nasa critical condition ang director na si Mario O’Hara.

Pero ayaw ipasabi ng kausap ko kung nasaan siyang hospital pero meron daw itong acute leukemia at kailangang salinan ng dugo. Pero miyembro ng Jehovah’s Witnesses pala ang beteranong director na ang huling ginawa ay ang teleserye ng nagbabalik na superstar na si Nora Aunor, Ang Sa Ngalan ng Ina, na ipinalabas sa TV5, kaya ayaw daw nitong magpasalin ng dugo. Wala naman daw magawa ang mga kamag-anak dahil ito ang nagde-desisyon.

Pinasok daw si Direk sa hospital last Friday at doon lang nadiskubreng me­ron siyang leukemia.

Pero nakakapagsalita naman daw si Direk at ang mga kapatid at pamangkin ang nag-aalaga ngayon.

Kilalang magaling na director Mario O’ at screenwriter. Naging producer din siya.

Marami siyang nagawang pelikula kasama ang acclaimed director na si Lino Brocka noong dekada ’70. Sinulat niya ang pelikulang Tinimbang Ngunit Kulang starring Christopher de Leon, Hilda Koronel, and Eddie Garcia na isa na ngayong klasikong pelikula.

Ipagdasal din natin si Direk Mario.

Habang nagde-deadline ay nakatanggap kami ng balita na dumalaw si Ate Guy kay Direk Mario.

The X Factor Philippines aarangkada na

Eere na ang pinakamalaki at pinakaengrandeng musical event ng ABS-CBN ngayong Sabado (June 23) sa pag-arangkada ng The X Factor Philippines sa pangunguna ni KC Concepcion bilang host at Martin Nievera, Gary Valenciano, Charice Pempengco, at Pilita Corrales bilang celebrity judge-mentors.

Hinahanap ng The X Factor Philippines ang mga natatanging talento edad 16 pataas, na hahatiin sa apat na kategorya—Girls, Boys, Adults, at Groups. Kinakailangan nilang mangahas na harapin at sanayin ng batikang mga hurado sa pag-asang magwagi ng P4 milyon na halaga ng papremyo— at maging susunod na Pinoy multimedia star.

Matapos puntahan ang 70 siyudad at munisipalidad sa bansa, mahigit 20,000 ang sumubok ng kanilang kapalaran.

Sa audition pa lang ay kakaibang pressure na ang kailangang pagdaanan ng mga sasali dahil bukod sa pagpapakitang gilas sa harap ng mga judge-mentors ay kailangan din nilang mapabilib ang live audience. Sa oras na makakuha sila ng tatlong yes sa mga judge-mentors ay pasok na sila sa susunod na round— ang Boot Camp.

 Sa Boot Camp naman ay mas lalong susubukin ang kanilang husay sa pagtatanghal para mas lumitaw kung sino sa kanila ang may ‘x factor.’ Dito ibabase ng mga judge-mentors kung sino ang pipiliin sa 20 contestants na aabante sa sunod na round.

Hahatiin ang 20 sa apat na kategorya— limang solo male singers na may edad 16-25 o Boys, limang solo female singers na may edad 16-25 o Girls, limang solo singers na higit 25 taong gulang ang edad o Adults at limang grupo na may mga edad 16 pataas o Groups.

Sa puntong ito, ipapaalam na ng producers ng The X Factor Philippines sa judge-mentors na sina Martin, Gary, Charice, at Pilita kung aling grupo ang mapupunta sa kanila para sanayin at hubu­ging maging isang total performer.

Para magawa ito, titira ang mga grupo kasama ang kanilang judge-mentor sa isang bahay sa tinatawag na Judges’ Homes round ng kumpetisyon.

Tuturuan sila nga mga ito kung paano mapapahusay ang kanilang pagtatanghal, pag-awit, pagsayaw, pati na rin pag-aayos ng sarili at pagdadamit para mas mailabas pa ang kanilang superstar potential.

Tanging tatlong contestants bawat kategorya ang matitira at siyang bubuo sa final 12 contestants na maglalaban-laban sa live shows.

Pinalabas na 30 bansa at meron na palang 53 X Factor winners na ang kinilala ng kumpetisyon. Nakatakda ng magsimula ang ikalawang season nito sa US kasama ang pinaka­bagong judge-mentors na sina Britney Spears at Demi Lovato.

Mapapanood ito ngayong Sabado (June 23), pagkatapos ng MMK, at mapapanood din tuwing Linggo, pakatapos ng Sarah G Live, sa ABS-CBN.

DAW

DIREK MARIO

MAKATI MED

MANG DOLPHY

PERO

X FACTOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with