Ruffa todo deny sa pangwawasak ng reputasyon ni Amalia

MANILA, Philippines - Nagharap na kahapon sina Ruffa Gutierrez at Amalia Fuentes sa Quezon City court.

Kahapon, nagsumite ng counter-affidavit si Ruffa kaugnay ng kasong libel na naisampa ni Amalia laban sa kanya.

Hindi nagkibuan ang dalawa at ayaw magbigay ng anumang komento hinggil sa kaso ang nagdemandang veteran actress.

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Ruffa na kahit kalian ay hindi siya nasabit sa anumang krimen at wala siyang sinirang tao. Wala rin siyang malisyosong pahayag na ginawa kahit sa sinuman na wawasak sa reputasyon ng isang tao.

Binigyan naman ng korte si Amalia ng pagkakataon na magbigay ng komento sa isinumiting affidavit ni Ruffa hanggang Hulyo 3.

                                               

Show comments