Kung dati magkaribal, Gary at Martin magiging magbalae na!

Magiging mag-balae na sina Gary Valenciano at Martin Nievera dahil ikakasal sa 2013 ang eldest son nina Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano sa pamangkin ni Martin na si Samantha Godinez. Anak siya nina Jaime Godinez at Gina Godinez na sister ni Martin at si Mr. Godinez ang in-charge sa sound sa mga concert ni Gary.

Sa concert ni Gary sa Pechanga, California, kung saan kasama ni Gary ang mga anak na sina Paolo, Gab, at Kiana, nag-propose si Paolo sa six years nang karelasyon na soulmate at best friend din niya at kasama rin sa tour.

Napanood namin sa youtube ang marriage proposal ni Paolo na dahil sa sobrang nerbyos, nag-stutter ito at napaiyak pa. Sinamahan siya ni Gary sa stage na masaya para sa anak. After mag-propose on his bended knee, kinanta ni Paolo ang Ikaw Lamang na original ni Gary.

Parehong ex ng controversial couple nagkasundo, dating mga karelasyon inookray sa DM

Twittermate ngayon ang parehong ex ng new and controversial couple. Dahil follower ng bawat isa, puwede silang mag-DM o Direct Message sa isa’t isa at tiyak kaming juicier ang tweets nila kung sila lang ang makakabasa.

Siguradong pinag-uusapan ng dalawang exes ang former partners nila na hindi na nagdi-deny na sila’y nagdi-date at magkasama pa sa isang big event sa ibang bansa.

Marami ang curious na mabasa ang DM ng dalawang exes, nagko-compare notes kaya sila sa naging buhay nila with the new and controversial couple?

Ruffa gaganap na diwata

Hindi nakapag-celebrate ng Father’s Day sina Ruffa Gutierrez dahil nasa Amerika ang amang si Eddie Gutierrez noong Father’s Day, pero sabi nito, simple lang silang mag-celebrate.

Birthday pala ni Ruffa sa June 24, pero may trabaho siya’t host sila ni Edu Manzano ng Miss World-Philippines. Birthday gift din kay Ruffa ang fantasy-drama na Enchanted Garden, kung saan, gaganap siyang Diwata. Iibig siya sa isang mandi­rigma, portrayed by Zoren Legaspi.

Maraming nag-audition sa Protégé mukhang mga napadaan lang sa MOA

Ginawang three days ang NCR audition ng Protégé: The Battle for the Big Artista Search na ginawa sa Music Hall ng SM Mall of Asia. Nagsimula last Monday at this Wednesday lang matatapos. May online audition din para sa hindi nakapunta sa venue ng mga naunang scheduled audition.

Pinanood namin ang Monday audition at mahigpit ang national audition master na sina Arsi Baltazar at Joji Dingcong lalo na sa mga mukhang napadaan lang sa MOA. Natawa kami sa sinabi ni Joji na na-realize niyang marami ang gustong mag-artista at nakakadismaya rin na marami sa kanila ay ang malaking kita sa showbiz ang habol at hindi para maipakita ang kanilang talent.

Sa July 23 na ang Inside Protégé hosted by Jennylyn Mercado at August 5, ang Gala na gagawin sa Studio 7 ng GMA Network hosted by Dingdong Dantes. 

Show comments