Cesar at Marvin rumaket na agad sa TV5!

Successful ang audition kahapon ng Artista Academy sa Smart-Araneta Coliseum.

Two o’clock in the afternoon ang start ng audition pero umaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang mga bagets sa harap ng red gate ng Coliseum.

Ganyan katindi ang ambisyon ng mga bagets na maging artista at nanga­ngarap na ma-getlak nila ang milyones na premyo ng mapalad na mananalo.

Ang say ng aking source, mabilis lang ang audition at komportable ang lahat dahil fully airconditioned ang venue.

Sa pagkakaalam ko, three hundred muna ang pinili sa libu-libong bagets na umapir kahapon sa audition ng Artista Academy.

Sina Mama Wilma Galvante at Roselle Monteverde Teo ang dalawa sa mga pumili sa possible contestants ng Artista Academy.

I’m sure, napagod sila sa kanilang ginawa dahil hindi madali ang maghanap ng mga deserving candidates.

Nagsimula na kahapon ang mga work nina Marvin Agustin at Cesar Montano bilang hosts ng Artista Academy.

Kinunan na ang behind the scenes na siguradong mapapanood sa pagsisimula ng Artista Academy na talagang ginastusan ng TV5 dahil maya’t maya ang update sa mga kaganapan sa Smart-Araneta Coliseum.

Hindi pa kasama ang mga naglalakihan ngang full-page ads sa mga diyaryo. Ganyan kabongga ang Artista Academy.

Atty. Persida, matulungin

Gusto kong pasalamatan si Atty. Persida Acosta, ang kilalang public attorney na may sariling show sa Aksyon TV.

Napatunayan na talagang matulungin at maaasahan si Atty. Acosta. Kung sakaling mag-decide na kumandidato for public office ang abogada, sure ako na mananalo siya at mas marami sa mga kababayan natin na mahihirap ang matutulungan niya.

Aiza inuna ang album ni Krizza bago ang sa kanya

Humanga kay Krizza Neri ang reporters na invited kahapon sa launch ng kanyang self-titled album.

Ang feeling ng reporters, lalong gumanda ang boses ni Krizza na very lucky girl dahil alagang-alaga siya ni Aiza Seguerra.

If not for Aiza, hindi magkakatotoo ang dream ng young singer na magkaroon ng sariling album.

Seryoso si Aiza sa kanyang goal na mapasikat si Krizza. Hindi mapapahiya ang una dahil very talented at mabait na bata ang kanyang alaga.

Imagine, hindi muna itinuloy ni Aiza ang balak na mag-produce ng album para sa kanyang sarili dahil inuna niya na ipag-produce ng album si Krizza?

Show comments