Komedyante wala nang pakialam kahit makuha ng asawa ang kanyang mga naipon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nawalan ng pag-asa na magkakaayos pa ang kilalang male celebrity sa kanyang non-showbiz wife. Hindi pa man natatapos ang tunggalian nila sa korte, nagdesisyon na si male celeb na magsampa ng kaso upang hati-hatiin na ang properties nila.

Gustuhin man kasi ni male celeb na ayusin ang gusot sa kanilang mag-asawa, ang babae naman ang matigas. Gusto pa rin niyang makasama ang asawa (male celeb) na punding-pundi na sa pagiging malasado nito.

So, para matahimik na ang isa’t isa, ipinauubaya na lang sa korte ni male celeb ang desisyon sa mga kasong kinasasangkutan nilang mag-asawa. Kesehodang mapunta na sa babae ang ari-arian nila basta huwag na lang siyang makikialam sa trabaho at personal nitong (male celeb) buhay.                                    

Janine ayaw magka-dyowa ng taga-showbiz

Hindi na umaasa si Janine Gutierrez na magkakabalikan ang parents niyang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Tutal naman, nandoon pa rin ang feeling niya na pamilya na sila kaya tanggap na niya ang kanya-kanya na ng buhay ang ama’t ina.

Kaya naman magkaroon man ng bagong pag-ibig ang kanyang mga magulang ay hindi problema kay Janine. Eh siya ba ay puwede nang magka-boyfriend?

 “I think so na okay lang sa kanila na magkaroon ako ng boyfriend,” sagot ni Janine na huli naming nakausap sa presscon ng Together Forever.

Meron namang nanliligaw sa kanya na non-showbiz guys. Ayaw ba niya sa taga-showbiz?

Tugon niya, “Hindi naman sa ganoon. Pero parang ayaw (ko) yata! Hahaha!”

May nagsasabi nga kay Janine na puwede rin siyang maging beauty queen. Pero siya na rin ang nagsabi na wala siyang hilig maging beauty queen. Mas gusto niyang magtayo ng business kapag nakaipon na siya bilang artista.

Bukod sa Sunday show, nasa Makapiling Kang Muli at Party Pilipinas ngayon si Janine.

TV5 kinumisyon ang PAMI

Kinumisyon talaga ng TV5 ang managers na bumubuo ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) para sa bago nitong show na Artista Academy na brainchild ng dating Kapuso executive na si Wilma Galvante.

Miniting ni Ma’am Wilma ang managers at hiniling ang presence ng kanilang talents para sa audition na gagawin ngayon sa Araneta Coliseum. May special entrance nga na pang-artists ng PAMI members ngayon nang sa gayon ay hindi na sila mahirapang alamin pa kung saan ang entrance.

Siyempre pa, aligaga ang mga nag-aambisyong maging artista dahil ngayon din ang last day ng audition ng Protégé: The Biggest Artista Break ng GMA 7. Gaganapin naman ito sa SM Mall of Asia.

Hindi kataka-taka kung maglagare ang mga mag-o-audition dahil magkaiba naman ang panlasa ng mga hurado sa Protégé at Artista Academy.

Show comments