Kris pahinga muna sa horror

May movie uli sa Metro Manila Film Festival si Kris Aquino dahil sila ni Vice Ganda ang mga bida sa entry ng Star Cinema na Sisteraka sa direction ni Wenn Deramas. Sa title pa lang, parang hindi horror ang movie, kaiba ito sa mga naunang pelikula ni Kris sa filmfest na laging horror movie ang entry.

Samantala, sa June 26, first year anniversary ng Kris TV  at bilang sele­bras­yon, live gagawin ang show, kasunod ang isang thanksgiving mass, then early lunch.

Maganda ang ginagawa ni Kris at ng kanyang staff na lumalabas ng ABS-CBN studio para bisitahin ang different places ng Metro Manila.

Rufa mae biglang natameme

Ang bongga ng pasok ni Rufa Mae Quinto sa Willtime Big Time at sa kanyang mga tweet, para bang enjoy na enjoy siya. Masipag ding itong i-promote ang paglabas niya sa show, pero bigla na lang naputol ang appearance nito sa show ni Willie Revillame.

Nasulat na isyu kay Rufa Mae ang talent fee at isyu naman sa TV5 na ‘di niya priority ang WTBT. Lately, ang lumabas na rason ay dahil humingi ito ng mataas na tf at pati raw ang manager nitong si Mr. Vic del Rosario ay walang nagawa.

Kasunod nito, tumahimik si Rufa Mae sa Twitter at Facebook at nang bumalik sa Twitter, itinanong sa kanyang followers kung anong sinabi ni Willie sa pag-alis niya sa WTBT. Inamin ding nalungkot siya sa pag-alis niya sa show dahil she loves working sa show.

Sinundan nito ng “Time to move on & start a new show” at “I’m really busy, super! movies (she has four movies yata), concert, soap & shows.” Kasama si Rufa Mae sa Enchanted Garden na biggest show daw ng TV5.

Krizza may album na

Natanong namin sa bossing ng GMA 7 sa pinakahuling presscon nila si Krizza Neri, winner ng Protégé 1 dahil may Protégé: The Battle for the Big Break! Ang sagot ni Ms. Lilybeth Rasonable, malapit nang i-release ang album nito.

Tama si Ms. Lilybeth dahil ilu-launch na ang 11-track self-titled album ni Krizza. Ang Ba’t Di Ko Ba Masabi ang carrier single ng album.

Ibang taga-Together Forever kinawawa sa Showbiz Central

Kawawa naman ang ibang cast ng Together Forever, nag-effort magbihis, pero hindi man lang pinagsalita sa Showbiz Central. Tanging sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona lang ang pinagsalita at parang na-dedma ang presence nina Enzo Pineda, Janine Gutierrez, Benedict Campos at Lexi Fernandez.

Sana, hindi na lang sila pinapunta sa Showbiz Central at kaya naman nina Julie Anne at Elmo na i-promote ang Together Forever. Madalas itong gawin ng mga show, papupuntahin ang cast, pero hindi binibigyan ng chance na magsalita. At least sina Enzo at Benedict, nakabati pa ng Happy Father’s Day! Sina Janine at Lexi, walang speaking lines talaga!

Si Lexi ang gaganap na band vocalist na magiging crush ni Elmo, pero tiniyak na hindi siya kamumuhian ng JuliElmo fans. 

Kasama rin nina Julie Anne at Elmo si Lexi sa Just One Summer, kaya sanay na sila sa isa’t isa. Sa movie siya bad na gusto niya dahil mas challenging for her ang maging kontrabida.

Show comments