SEEN: Galing sa sariling bulsa ni Congressman Manny Pacquiao ang dalawang milyong piso na ibinigay niya bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Sarangani province.
SCENE: Nagharap kahapon sa unang pagkakataon sa Pasay City Prosecutor’s Office si Mon Tulfo at ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Ito ang unang paghaharap nila pagkatapos ng eskandalo na nangyari sa NAIA 3 noong May 6.
SEEN: Tinanggal na ang respirator na nakalagay kay Dolphy. Nagpapasalamat ang pamilya ni Dolphy sa mga tao na patuloy na nagdarasal upang gumaling siya.
SCENE: Ang mga get well soon at Father’s Day card na nakapaskel sa kuwarto ni Dolphy sa Makati Medical Center.
SEEN: May kumpirmasyon ang Wiltime Big Time staff na hindi na mapapanood si Rufa Mae Quinto sa kanilang programa dahil sa busy schedule ng comedienne. Hindi masyadong mami-miss si Rufa Mae ng Wiltime Big Time viewers.
SCENE: Okay na uli ang relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto.
Nagkabalikan ang dalawa matapos magkaroon ng tampuhan, ilang linggo na ang nakararaan.
SEEN: Natuwa ang fans ni Aljur Abrenica nang malaman nila na kasama ang aktor sa official entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival. Naiinip ang fans ni Aljur dahil matagal nang walang regular TV show ang kanilang idol.
SCENE: Mabibili na sa record bars ang debut album ni Krizza Nerri, ang first Protégé winner. Inaabangan ang paglitaw ni Aiza Seguerra sa album launch ni Krizza bilang suporta sa kanyang “protégé”.
Si Aiza ang mentor ni Krizza.