Paglayas ng TV host sa isang show, pinagdududahan!

May ibang nagdududa na kaya biglang lumayas ang isang TV host sa nilipatan niyang programa ay dahil may kakaiba na siyang ‘naramdaman’ sa kasama nila sa nasabing programa.

Ayon sa isang beterana na sa showbiz, feeling niya ay hindi basta-basta lalayasan ng naturang female TV host ang nilipatang show kung hindi masyadong malalim ang rason.

Takot lang daw marahil magsabi ng totoo ang female TV host dahil baka siraan lang siya ng mga taong kakampi ng kasama niya sa programa.

Ganito raw kasi ang nangyari sa isang host din sa programa na umalis din dahil hindi siya pabor sa gustong gawin ng main host, nanahimik ito dahil sa takot na ‘bombahin’ ng mga kakampi ng programa.

Ngayon daw, nananahimik na ang dating co-host at ayaw na lang pag-usapan ang mga nangyari dahil sa takot.

Marahil daw ay ito rin ang dilemma ng aalis na host.

Kris, wala sa bokabularyo ang lovelife

Wala muna sa bokabularyo ni Kris Bernal ang lovelife. Kamakailan ay nag-celebrate ng 23rd birthday ang young actress sa 7th High Bar sa The Fort, at so far walang nakitang special someone ni Kris. Instead, celebrity friends - mga kaibigan sa network, media at mga taong naging bahagi ng kanyang career ang dumalo.

Siyempre ang pamilya niya ang naghanda ng kanyang sosyal na party.

Naispatan sa party para makisaya sina Sarah Lahbati, Chariz Solomon, Kylie Padilla, Lexi Fernandez, Sef Cadayona, Aaron Villena, Dino Imperial, Martin Escudero, Frencheska Farr, John Lapus and Tim Yap at marami pang iba.

Sina Bela Padilla at Mikey Bustos naman ang nagbigay ng introduction sa birthday girl sa isang bonggang-bonggang intro na ikinaligaya of course ni Kris.

Pero bago siya nagkapag-speech, nagkaroon muna ng audio-visual presentation kung saan ipinakita ang transformation ni Kris mula sa bagets na bagets pang Starstruck winner hanggang sa maging ultimate girl-next-door sweetheart sa kasalukuyan.

Kasama rin sa mga nagbigay ng message ang long-time loveteam niyang si Aljur Abrenica na hindi naka-attend ng party dahil sa previous commitment.

Limang taon na si Kris sa showbiz at in fairness nananatiling bongga ang career niya - several TV shows, movies and endorsements.

Sa kabila ng matinding kumpetisyon, hindi nagpapa-iwan ang actress.

Warrant of arrest ni Annabelle Rama binawI, Ruffa magpa-file ng counter affidavit kay Amalia Fuentes

Binawi ng korte ang inilabas na warrant of arrest kay Annabelle Rama kahapon.

Kaya naman, bumaha na naman ang tweet ni Annabelle kahapon tungkol sa pag-iyak ni Nadia Montenegro nang ilabas ang warrant ng korte.

Idiniin niyang kaya siya nagkaroon ng warrant ay dahil hindi siya naka-attend sa arraignment ng kasong inihain ni Nadia at hindi dahil sa guilty siya sa kasong libel.

“Nawala lang ako ng 8 days, paiyak-iyak ka pa sa TV! Gusto mong makuha ang sympathy ng taong bayan?

“Nagkamali ka, lahat ng televiewers nandidiri sa ‘yo. Di mo kayang lokohin ang mga tao sa mga pinagsasasabi mo. May you rest in peace!.

“Panay ang tweet mo na malapit na akong makulong. Kung di ka ba naman tanga, pano makukulong ang isang tao na nagsasabi ng totoo.

“Bakit murderer ba ako? Nagbebenta ba ako ng bawal na gamot? Gumagawa ba ako ng illegal na negosyo para yumaman?” tweet ni Annabelle tungkol kay Nadia.

Ngayong araw naman nakatakdang mag-file ng counter affidavit si Ruffa Gutierrez sa demandang isinampa naman ni Amalia Fuentes laban sa kanya.

Show comments