MANILA, Philippines - Bilang host ng lingguhang Pinoy Explorer show ng TV5, maraming malalayong lugar sa Pilipinas at maging sa buong mundo ang nalilibot ni Aga Muhlach. Merong kakaiba at pamilyar ding mga lugar ang kanyang nakikita at punong-puno ng abentura ang kanyang nararanasan. Pero, kahit nasa malayo siya, naroon pa rin sa kanyang bahay ang kanyang puso.
Kahit nasaang panig ng mundo ang nararating ng premyadong aktor, lagi pa rin siyang konektado sa kanyang pamilya.
“Kahit napakarami ng pinagkakaabalahan ko at puno ang schedule ko, natatawagan, nakukumusta, at nakakusap ko pa rin sina Atasha at Andres lalo na kapag nasa taping sa isang show ang kanilang mommy (Charlene Gonzales),” pagbabahagi ni Aga.
Ipinagpapasalamat ng aktor na dahil sa makabagong teknolohiya at sa Sun Cellular, parang malapit pa rin siya sa kanyang tahanan o sa kanyang pamilya kahit dinadala siya ng kanyang edutainment show sa malalayong lalawigan.
“Noong kapanahunan ko, meron lang kaming operator-assisted calls. Mabuti at meron na tayo ngayong mobile phone para sa mga tawag at text,” dagdag ng aktor.
Bukod dito, kahit wala siya sa bahay, nalalaman pa rin niya ang mga nangyayari sa kanyang pamilya.
“Ang mga tawag ng asawa ko at ng mga kambal ko ay nagbibigay sa akin ng katiyakan na ligtas sila at nasa maayos na kalagayan. Masaya ako na nagagamit namin ang Sun Cellular hindi lang sa local calls kundi pati na rin sa overseas calls kapag nasa ibang bansa ako.
“Ang galing nga eh kasi parang local call lang ang napakamurang IDD rates ng Sun. Malinaw pa ang signal,” sabi pa ni Aga.
Naging magaang para sa TV show host ang Sun Todo IDD Tawag. Abot-kaya kasi ng bulsa ang IDD rates sa iba’t ibang panig ng mundo tulad sa US (Main), Canada, Hong Kong, Singapore, China, Guam, at Hawaii na P2 lang bawat minuto. Limang piso naman bawat minuto sa mga tawag sa Australia, Malaysia, South Korea, Taiwan, Macau, Brunei, Thailand, India, at Northern. Sakop din ng Sun Todo IDD Tawag ang Japan, Italy, Bahrain, at Kuwait na P8 bawat minuto habang sa Saudi Arabia, UAE, UK, Indonesia, Spain, at France ay P10 bawat minuto.
Dahil na rin sa malakas na pakikipagtulungan ng Sun sa PLDT-Smart network, nakakatiyak ang subscribers sa malakas na signal at mas malawak na network coverage sa Pilipinas.
Kapansin-pansin nga ang debosyon ni Aga sa kanyang mga anak at sa kanyang pamilya. Noong nakaraang taon, iginawad sa kanya ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation ang Ulirang Ama award.
Pero sa rami ng tinanggap niyang mga award at titulo, mas nakakadama si Aga ng kasiyahan at kaganapan sa kanyang tungkulin bilang ama.
“Isang bagay iyon na pinagsikapan at pinaghirapan ko dahil gusto kong maging mabuting magulang ng aking mga anak,” rason ng aktor.
Para sa ibang impormasyon sa Sun Cellular’s International Services, mag-log on sa www.suncellular.com.ph o kaya ay bumisita sa Facebook page www.facebook.com/suncellular.ph o sa Twitter via www.twitter.com/suncelltweets.