LONDON (AP) — Pinarangalan ni Queen Elizabeth II ang British actress na si Kate Winslet dahil sa kanyang “titanic” na kontribusyon sa sining.
Sa Birthday Honors List ng reyna ng Inglatera na nalathala kahapon ay ginawaran si Kate ng parangal na Commander of the Order of the British Empire o CBE.
Matatandaang ang aktres ay nagkaroon na ng best actress trophy sa Academy Award noong 2009 dahil sa paglabas sa pelikulang The Reader at sumikat sa pagganap niya bilang Rose sa blockbuster na Titanic noong 1997.
Sinabi ni Kate na, sa parangal na ito, ikinararangal niyang maging isang British.
“I am both surprised and honored to stand alongside so many men and woman who have achieved great things for our country,” sabi ng 36 anyos na aktres.