Christian Kapuso na?!

Manila, Philippines -  Ngayong Linggo ng gabi, samahan sina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa Pare & Pare!

Alamin kung ano ang Uso Ngayong Linggo : totoo bang may bagong show sa Kapuso network ngayong Father’s day? Sino ang mga celebrities na makakasali sa 100% funny version ng magkumpare sa kontrobersiyal na advertisement ng isang fashion brand? Tandaan, ang mainis, pangit.

Samahan ang magkumpare na makipag-biruan sa Pambansang Ilong, Allan K., tungkol sa kanyang kabataan, sequined bathing suit at love life.  Alamin din kung kaya ng powers ng ilong ni Allan K. amuyin kung sinong celebrities ang boy or girl.

Para i–celebrate ang kanyang 10 years sa entertainment industry, makikikanta rin ang Asia’s Pop Idol and romantic balladeer na si Christian Bautista.

Ibubunyag din ng mga misis ang mga sikreto ng kanilang mga asawa sa Masa Poll na pinamagatang Mister-yoso! Ano ang pag-aari ng kanilang asawa na mahaba, matulis at masarap kainin? Abangan!

Tips sa pag-ayos sa bubong na butas naman ang ibibigay nina Barako Papa at Barako Mama sa nakaka-aliw na Barako Tips.

Makikigulo rin ang kuwelang pop-rock group na Tanya Markova sa kanilang jamming with Pareng Ogie and Pareng Bitoy sa kantang Da Facebook Song.

Sumama na sa kasiyahan sa Pare & Pare sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures.   

Show comments