The Voice finalist Cheesa Laureta, magpapakitang gilas

Manila, Philippines -  Siksik sa mga bagong sorpresa ang ASAP 2012 ngayong Linggo (Hunyo 17) sa engrandeng Father’s Day celebration nito na pangu­nguhan ng ultimate world-class performance mula sa Fi­lipino-American finalist ng hit American reality ta­lent show na The Voice Season 2 na si Cheesa Laureta.

Bukod sa bagong segments, tampok rin sa ASAP 2012, ang maka­pigil-hiningang performances na hatid ng pinakabagong Boy Group ng ASAP, ang Princess and I lead stars na sina Daniel Padilla, Khalil Ra­mos, at Enrique Gil; ng host ng pinakabagong singing-reality com­petition na X Factor na si KC Concepcion; ng bagong all-tween girl group na Tweens of Pop na kinabibilangan ng mga Goin’ Bulilit alum­nae na sina Mika dela Cruz, Angel Sy, Noemi Oineza, at Alexa Ilacad na may pinakabagong album; at sina Bugoy Cariño, Iya Villania at ang celebrity siblings na sina John at Paolo Prats, Kim at John Paul Chiu, at Enrique at Javy Gil na magpapasikat sa isa sa mga pinakabagong segment na Step My Step.

Isang espesyal na wedding inspired treat naman ang ibabahagi nina Gerald Anderson, Iza Calzado, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Rayver Cruz, Bugoy, Nikki Gil, Jessy Mendiola, Robi Domingo; samantalang world-class concert experience naman ang ihahandog ng ASAP mainstays na sina Martin Nievera, Piolo Pascual, Sam Milby, Bamboo, Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela, at Kean Cipriano; na susundan ng mapupusong awitin na handog ng ASAP Sessionistas para sa lahat ng mga mapagmahal na tatay sa buong mundo.

Gawing mas masaya ang pagdiriwang ng pamilya ng Father’s Day kasama ang 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na ASAP 2012 ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. 

Show comments