Tingnan mo nga naman at nakatagpo na talaga si Christian Bautista ng babaeng kanyang mamahalin. Kahit magkaiba ang kanilang lahi, Singaporean ang girl na tumutugon sa pangalang Carla Donareanu, hindi ito hadlang para sa madali nilang adjustment. At kitang-kita mo sa kanilang mga kilos ang love nila sa isa’t isa.
Mabait si girl kaya madali itong natanggap maging ng pamilya ni Christian. Nag-iisa si Carla rito sa bansa kaya alagang-alaga siya ng kanyang mga bibiyananin.
Mga artistang magpapa-stem cell treatment dumarami
Ang dami-daming umaalis para pumunta ng Germany para sa isang medical procedure na tinatawag nilang stem cell. Nagagawa raw nitong mapagaling ang maraming karamdaman, ’yun nga lamang may kamahalan ang procedure. Pero ano na ang milyon kung milyon ding kaginhawahaan ang mararanasan ng isang mag-a-undergo nito?
Maraming taga-showbiz ang susubok dito kaya pagdating nila at nakita ang tunay na epekto nito, aba, marami ang susunod na magpapagamot sa kanila. Iba kapag word of mouth ang umiral.
Anak ni Katrina suwerte kay Marian
May mas malinaw pa bang ebidensiya ng pagiging okay nina Marian Rivera at Katrina Halili sa pagpayag ng una na maging ninang sa isisilang ng huli? Suwerteng bata ’yang magiging anak nina Katrina at Kris Lawrence.
Hindi man kasal ang dalawa pero nakikita na roon patungo ang relasyon. At ’di tulad ng maraming nabubuntis, ’di tinatakbuhan ni Kris ang responsibilidad niya kay Katrina at sa magiging anak nila. Ni kaunting duda ay hindi siya nagkaroon sa isisilang ng aktres.
Ewan ko lang kung babalikan pa ni Katrina ang kanyang pag-aartista once na makapanganak siya.