^

PSN Showbiz

Carla alagang-alaga na ng mga biyenang hilaw

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Tingnan mo nga naman at nakatagpo na talaga si Christian Bautista ng babaeng kanyang mamahalin. Kahit magkaiba ang kanilang lahi, Singaporean ang girl na tumutugon sa pangalang Carla Donareanu, hindi ito hadlang para sa madali nilang adjustment. At kitang-kita mo sa kanilang mga kilos ang love nila sa isa’t isa.

Mabait si girl kaya madali itong natanggap maging ng pamilya ni Christian. Nag-iisa si Carla rito sa bansa kaya alagang-alaga siya ng kanyang mga bibiya­nanin.

Mga artistang magpapa-stem cell treatment dumarami

Ang dami-daming umaalis para pumunta ng Germany para sa isang medical procedure na tinatawag nilang stem cell. Nagagawa raw nitong mapagaling ang maraming karamdaman, ’yun nga lamang may kamahalan ang procedure. Pero ano na ang milyon kung milyon ding kaginhawahaan ang mararanasan ng isang mag-a-undergo nito?  

Maraming taga-showbiz ang susubok dito kaya pagdating nila at nakita ang tunay na epekto nito, aba, marami ang susunod na magpapagamot sa kanila. Iba kapag word of mouth ang umiral.

Anak ni Katrina suwerte kay Marian

May mas malinaw pa bang ebidensiya ng pagiging okay nina Marian Rivera at Katrina Halili sa pagpayag ng una na maging ninang sa isisilang ng huli? Suwerteng bata ’yang magiging anak nina Katrina at Kris Lawrence.

Hindi man kasal ang dalawa pero nakikita na roon patungo ang relasyon. At ’di tulad ng maraming nabubuntis, ’di tinatakbuhan ni Kris ang responsibilidad niya kay Katrina at sa magiging anak nila. Ni kaunting duda ay hindi siya nagkaroon sa isisilang ng aktres.

Ewan ko lang kung babalikan pa ni Katrina ang kanyang pag-aartista once na makapanganak siya.

ANAK

CARLA

CARLA DONAREANU

CHRISTIAN BAUTISTA

EWAN

KAHIT

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

MABAIT

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with