MANILA, Philippines - Tumitindi na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang Kapamilya leading ladies na sina Cristine Reyes at Maricar Reyes sa Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Dahil sa Pag-ibig. Matapos makipagkasundo kay Fr. Alfred (Piolo Pascual) upang tumulong na protektahan ang pamilya Valderama mula sa mga plano ni Oliver (Jericho Rosales), haharapin na ni Agnes (Maricar) si Jasmin (Cristine), ang babaeng pakakasalan ng kanyang pinakamamahal. Sino ang magwawagi sa tapatang Agnes at Jasmin - ang tunay na pag-ibig o ang kaganapan ng paghihiganti? Magtagumpay kaya si Fr. Alfred na isalba sa kapahamakan ang buhay ni Jasmin mula sa kamay ni Oliver?