Ipe babanggain ang kapwa aktor!
Tama kaming ang pagpasok sa pulitika ang announcement ni Phillip Salvador pero hindi bilang vice mayor sa Pasay City gaya nang nabalita, kundi vice governor sa Bulacan. Ayaw pa nitong sabihin kung anong partido siya tatakbo, ipinaalam lang para malaman ng mga taga-Bulacan.
Sabi ni Phillip, hindi makukuwestiyon ang residency niya dahil matagal na siyang may bahay sa Pandi, Bulacan at taga-Bulacan ang mother niya at three years na siyang pabalik-balik sa nasabing lugar.
Alam nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. na tatakbo siyang vice governor at dahil mahal siya ng dalawa, alam niyang susuportahan siya kahit iba pa ang kanyang partido. Suportado rin siya ng wife niyang si Emma at ng relatives.
Bilang paghahanda sa pagpasok sa pulitika, he’s been reading a lot at marami na siyang experience sa pagpunta niya sa mga provinces. Si Daniel Fernando ang makakalaban ni Phillip na gaya niya ay taga-pelikula rin. Ano ang masasabi niya rito?
“Maiintindihan ako ni Daniel at alam niya na pareho kaming gustong maglingkod sa bayan. Kung kanino gustong ibigay ng Panginoon ang panalo, tatanggapin namin. Hindi pa kami nagkakausap ni Daniel but I think alam niya,” sagot ni Phillip.
Sa October pa ang filing ng candidacy, puwede pa sa showbiz si Phillip. Galing nga siya ng Davao dahil mentor sa Protégé: The Battle for the Big Break at marami siyang nakitang may potential. Mahaba pa ang trabaho nilang mentor.
Jean sunud-sunod ang award
Dalawang acting award na ang natanggap ni Jean Garcia this year para sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Nanalong best supporting actress sa Urian Awards si Jean at nauna rito, nanalo siyang best actress for the same movie sa Golden Screen Awards early this year.
Sa magkaibang kategorya nanalo si Jean at okay lang ito sa kanya. Masaya na nga siyang ma-nominate, tapos mananalo pa.
“God is good” na lang ang nasabi nito.
Mabait talaga ang Diyos kay Jean dahil sunud-sunod pa rin ang TV project niya. Happy ito sa magandang feedback ng One True Love at pati sa mataas na ratings.
May cut-off sa taping si Jean, hanggang 2:00 a.m. lang siya pero sa haba ng biyahe mula sa location hanggang bahay niya, para na ring nag-pack-up siya ng 4:00 a.m. May replay pala ang pilot ng One True Love this Saturday bago ang Eat…Bulaga entitled The Beginning of a One True Love.
Elmo paakbay-akbay na kay Julie Anne
Ikinatuwa ni Elmo Magalona ang pagwi-wish ni Barbie Forteza ng success sa Together Forever dahil ang Tween Hearts na isa sa mga bida si Barbie ang papalitan nila. Nakakabawas daw ng kaba na alam mong suportado sila ng grupo ng tweens.
Bukas na ang pilot ng Together Forever, makikilala na si Ely (Elmo) at mga kapatid na sina Jas (Janine Gutierrez) at Raz (Renz Valerio), at si Toyang (Julie Anne San Jose) at iba pang karakter ng youth-oriented romantic-drama series. Sa problema ng pamilya mas iikot ang story at sabi ni Elmo, marami ang makaka-relate.
Komportable na sina Elmo at Julie Anne kaya parang balewala na lang sa una ang akbayan ang huli nang i-pictorial ng press sa taping nila. Nag-agree nga agad si Elmo sa comment naming mas maganda ang ka-love team kung minimal lang ang makeup. Madalas ganun ang makeup ni Julie Anne para ibagay sa role niyang boyish at ’di pala-ayos.
Victor gusto nang maging misis si Liz
Going strong ang almost two years relationship nina Victor Aliwalas at Liz Almoro kaya nagulat ang aktor na na-link siya kay Sam Pinto. Nagselos kasi si Victor sa guys na lumalapit sa dalaga noong nasa isang bar sila.
Nang makausap sa presscon ng Faithfully, walang matandaang insidente si Victor at friends lang sila ni Sam dahil nga very much in love siya kay Liz. Ang wish nga nito ay sa wedding magtapos ang kanilang relasyon at wala naman yatang problema dahil maayos ang paghihiwalay nina Liz at Willie Revillame.
“Sobrang bait ni Liz, hindi siya showbiz at ’di nga sumasama sa showbiz events ko. Masaya kami, in God’s time, gusto ko kaming dalawa sa ending. Ang importante, masaya kami,” sabi ng aktor.
Samantala, natutuwa si Victor sa role niya sa Faithfully dahil bad ang karakter niyang si Dan Belmonte na kasama ni Mike Tan sa sindikato. To improve his craft, nag-a-attend siya sa workshop ng GMA Artist Center, every Sunday, 4:00-6:00 p.m.
- Latest