Vic Sotto is a man of few words. Evasive siyang sumagot sa mga bagay na personal lalo na pagdating sa kanyang love life. Kung noon ay naging very open siya sa relasyon nila ni Pia Guanio, ngayon ay ayaw niyang magsalita ng anuman tungkol sa kanila ni Pauleen Luna.
Ayaw rin niyang magsalita tungkol sa kumakalat na balita na nasa cool-off stage silang dalawa. Napagpasyahan siguro ni Vic na mas makakabuti sa kanya at sa kanyang karelasyon ngayon kung ito’y gagawin niyang pribado kahit pareho silang nasa showbiz. Mas open si Vic na pag-usapan ang kanyang mga anak at mga apo kesa love life niya.
Movie nina Bong, Vic at Juday sure na sa no. 1
Hindi pa man nagsisimula ang 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay marami na ang humuhula na ang balik-tambalan nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla, Jr. ang siyang muling mangunguna sa takilya at dagdag puwersa ang pagpasok ni Judy Ann Santos bilang female lead ng pelikula. Katunayan, kasama si Juday sa title role na Si Agimat, si Enteng, at si ME. As early as the ’90s ay sanib-puwersa parati sina Bossing (Vic) ng M-Zet Films at Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films sa pagpo-produce ng MMFF entry movie na pinagbibidahan mismo ni Vic with box-office director Tony Y. Reyes.
Most often, ang mga pelikulang pinagbibidahan ni Vic ang siyang nangunguna sa takilya. A few years ago, nakipag-alyansa na rin ang APT Entertainment ni Direk Tony na siyang producer din ng long-running noontime show na Eat Bulaga. And lately, pasok na rin ang GMA Films o ’di kaya ang Star Cinema as co-producer at ang Imus Productions kapag co-star si Sen. Bong.
Carmina walang pakialam kahit magkatrabaho sina Zoren at BB
Ngayong na-break na ang ice sa pagitan ng ex at present ni Carmina Villarroel na sina BB Gandanghari (Rustom Padilla) at Zoren Legaspi matapos pumayag si BB na magpa-interview kay Zoren sa Paparazzi, ngayon ay okay na okay na sa kanilang magkatrabaho sa isang TV series, ang Enchanted Garden ng TV5.
Walang kaso kay Carmina kung magkatrabaho man sina Zoren at BB dahil para sa kanya, past is past, at masaya na siya sa piling ng asawa at ng kanilang kambal na anak na kumikita na rin sa mga TV commercials. Masaya rin si BB para kina Carmina at Zoren.
Although we still have to see na muling magkaharap sina Carmina at BB, hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay muling magkatrabaho ang mag-ex.