Vic tameme sa hiwalayan nila ni Pauleen

Sa isang pakikipag-usap kay Vic Sotto, ang Bossing sa Dabarkads, muli klinaro nito na wala siyang balak na pumalaot sa pulitika sa 2013.

“Maaari naman akong makatulong sa mga tao na wala ako sa pulitika. Hindi ko matutugunan ang mga kinakailangan kong gawin tulad ng pagpa-file ng aking candidacy dahil magiging sobra akong aba­la sa paghahanda ng pelikula,” tugon niya sa mga pangungulit sa kanya na mas pinaniniwalaan ng marami na kung hindi sa 2013 ay baka sa eleksiyon na susunod dito.

Pero kung open man si Vic ng marami sa paksang may kinalaman sa pulitika, tikom naman ang kanyang bibig sa may kinalaman sa affairs of his heart, tulad ng pagkaka-link niya sa kanyang co-host at Dabarkads sa Eat Bulaga na si Pauleen Luna. Walang pag-amin mula sa kanya sa isyu simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanila hanggang ngayong napapabalitang break na sila.

Katuwiran niya may mga bagay na gusto niyang sarilinin, gawing pribado.

“Hindi naman ito makakatulong sa ekonomiya ng bansa,” may pagka-pilosopo pang sagot niya.

Mas kakain ng oras ang ikalawang pagtatambal nila ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012. Bukod sa ayaw nila ’yung napanood pa rin sa una nilang pagsa­sama ang makitang muli sa gagawin nilang pelikula, mas daragdagan ang action at fantasy at magpapakilala ng mga bagong karakter, ’yung isa nga ay ’yung gagampanan ni Judy Ann Santos na siyang pumalit kay AiAi delas Alas.

Vaness nanginig bago nasampal si Maxene

Masayang tinanggap ni Vaness del Moral ang pagiging ganap na bida sa teleseryeng Faithfully na kung saan ay isa siya sa limang babae na tampok sa kuwento. Ang apat pa ay sina Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli, at Isabelle Daza. Mga magkakaibigan sila na pinaghiwalay ng kasinungalingan at mga sikreto. 

Si Vaness si Dina Carvajal, isang mayaman, na tutol sa pagkakasali sa kanilang grupo ng isang mahirap.

“Kaming lima good and bad ang mga roles. Kaiinisan kami ng mga manonood at kaaawaan dahil sa pagkakagusto namin sa iisang lalaki. Mag-aawa­y-away kami at kalilimutan ang aming friendship,” say ng aktres na mas nakikilala ngayon sa pagiging kontrabida.

Naikuwento rin ni Vaness na pinagpaalaman pa siya ni Maxene bago siya sinampal nito para sa isang eksena na ginawa nila. “First taping day namin ay sampalan agad ang eksena. Unang nanampal si Maxene at bonggang-bongga niyang nagawa ang eksena. Sabi ko sa kanya, huwag siyang mag-alala. Kung kailangang lakasan niya ang pagsampal okay lang sa akin. Pagkatapos ako naman. Nanginig ako bago ko naitaas ang aking kamay,” dagdag pa ni Vaness na maligaya hindi lamang sa nagiging takbo ng kanyang career kundi maging ng kanyang love life.

Mahigit na dalawang taon na sila ng kanyang showbiz boyfriend at mas nagiging matatag pa ang relasyon nila habang nadadagdagan ito ng taon.

Angelica tanggap na ang mga bintang sa kanila ni John Lloyd

Ayaw sisihin ni Angelica Panganiban ang mga naniniwala na may affair nga sila ni John Lloyd Cruz. Ang mga bagong hiwalay na tulad niya ay mada­ling pag-isipan ng masama at gawan ng istorya sa sinumang lalaki na mapapa­lapit sa kanila ngayon, lalo’t kasing sikat ni JLC.

Kahit nga ’yung napaka-imposibleng pagkakaroon ng involvement sa mga kaibigang may isyu rin ng hiwalayan ay naibibintang sa kanya, ’yun pa kayang madalas na pagsasama nila ni JLC dahil meron silang ginagawang project na magkasama ang hindi mabigyan ng malisya at kulay?

Pero hindi ito dahilan para palalain pa niya ang isyu sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kanyang sarili. “Kung masaya ang mga tao na pag-isipan ako ng masama, wala akong magagawa. Hari sila ng kanilang mga sarili,” sabi niya.

Show comments