Hindi raw maaaring magladlad... Maraming bakla sa closeta galit kay sharon

Maraming bakla sa closeta ang hindi nagkagusto sa himok ni Sharon Cuneta sa kanyang show na lumabas na sila’t magladlad. May galit daw ba ito sa mga katulad nila? Ito ang impresyon na ibinigay ng pagsasalita niya. Obviously daw ay wala itong alam sa pinagdadaanan nila, kaya kung magsalita siya ay walang preno, hindi sukat.

Hindi raw ganun kadali ang hiling nito sa kanila. Kung sila nga ang masusunod ay talagang mag-a-out in the open na sila pero maraming dapat na consider.

Palagay daw ba ni Sharon ganun lang kadali ang hinihingi niya? Hindi po dahil marami ang dapat isa-alang-alang.Mas madaling sabihin kaysa gawin.

GMA 7 todo-build up kay Janine

Talagang bini-build up ng GMA 7 si Janine Gutierrez bilang ka-loveteam ni Benedict Campos. Ongoing pa ang Makapiling Kang Muli na kung saan ay ipinakikilala ang tambalan nila pero isinamang muli ang tambalan nila sa Together

Forever nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Nagbibigay ng malaking pressure kay Janine ang pagkakaroon ng magaga­ling na artista bilang kamag-anak niya. Wish lang niya na bigyan siya ng time ng tao na gawin ding magaling na artista ang sarili niya. Sana huwag silang mag-expect agad ng malaki sa kanya.

Tatlong magkakapatid sina Janine pero siya lamang ang nahihilig sa pag-aartista. Mahiyain ang dalawa niyang kapatid.

 

Jessica sure na sa rematch nina Pacman at Bradley

Balitang si Jessica Sanchez ang kakanta ng Lupang Hinirang sa rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. Okay lang kahit siya ang kumanta ng Star Spangled Banner sa unang laban ng dalawa dahil FilAm naman siya, katulad din ng mga naunang pinili ni Pacman sa mga naunang laban niya. Samantala, kumanta siyang muli ng National Anthem ng US sa NBA finals kahapon.

Talagang maganda ang naging exposure ni Jessica sa American Idol. She’s really going places.

 

Nora, Vilma, at Coco gagawan ng pelikula

Si Coco Martin ang lalabas na pinakamasuwerte kapag natupad ni Brillante Mendoza ang kanyang pangarap na mapagsama sa isang pelikula ang Superstar na si Nora Aunor, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at si Coco.

Biruin mo, isang casting coup ito na sigarado ako ay papatok sa takilya nang todo-todo bukod pa sa mga awards na maari nitong mapanalunan sa loob at labas ng bansa.

Kahit maganda itong isipin, malaking problema ang ihahatid nito sa sinumang magpo-prodyus ng pelikula dahil mahirap pagsamahin sina Nora or Vilma, lalo na ang huli na abala sa kanyang tungkulin sa Batangas.

Show comments