Jason naguwapuhan sa Azkals player na nanliligaw kay Melai

Maganda na raw muli ang samahan ngayon ng dating magkasintahan na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Katunayan ay magkasamang lumabas ang dalawa last weekend kasama pa ang ilan nilang kaibigan.

“Magkasama kami sa Paradise Resort sa Bulacan kasama ang mga fans saka friends namin. Lumalabas kami para bumalik ’yung dating saya at friendship,” pagtatapat ni Jason.

Pero ramdam ng binata na wala nang pagtingin sa kanya si Melai ngayon.

“May konting ilang siya sa akin. Siyempre hindi naman mawawala ’yun. Kung may feelings siya sa akin, sa totoo lang, hindi ko alam sa kanya. Noong nandun kami, nag-swimming lang kami, masaya lang, pero ’di na katulad dati na sobrang close. Ngayon relax lang,” dagdag pa ng binata.

Ayon sa mga balita, may bagong humahanga kay Melai na miyembro naman ng Philippine Azkals at alam ito ni Jason.

“Oo naman, open siyang makipag-date sa iba. Marami akong naririnig sa kanya. Ang sosyal, football player pa raw. Si Misagh something, ewan ko kung totoo ’yun. Nag-search pa nga ako sa Twitter eh, ang hirap pa ng spelling ng pangalan niya. Hahaha! Ang guwapo, may lahi. Tiningnan ko lahat ng anggulo, ayos ah, walang panama,” pabirong paghayag pa ng komedyante.

Mayroon ding mensahe ang aktor kay Melai at sa kung sino ang bagong magpapatibok ng puso ng komedyana ngayon.

“Last time football player din ang nagkagusto sa kanya pero hindi naman guwapo, katamtaman lang. Wish ko sana, maging mahal talaga siya kasi nasa babae na rin ’yan eh, kung talagang gusto niya ’yung lalaki. Hindi naman basta-basta ’yun. So, kung may admirers siya, sana totoo sa kanya at hindi siya sasaktan,” pagtatapos ni Jason.

JED pinapangarap makasama sa concert si Regine

Masayang-masaya si Jed Madela dahil kabilang siya sa Icons at the Arena: Masters of OPM concert na gaganapin sa June 16.

“Siyempre happy ako kasi sa title pa lang Icons at the Arena, sabi ko nga sa sarili ko, ‘Anong ginagawa ko dito ’di ba?’ It’s such an honor,” bungad ni Jed.

Pinapangarap din ng singer na magkaroon siya ng sariling major concert sa nasabing venue.

“I hope, sana. Isa sa mga dreams ko ang magkaroon ng concert sa Arena. Next year is my tenth year in the business and hopefully may mga sponsors at saka producers na kakayanin na ito ang venue ko. I’d love to perform there,” asam ni Jed.

Samantala, isang benefit concert ang gagawin ng singer bago magtapos ang taon.

“We’re planning for another concert in November and wala pang details but definitely it’s going to be for the benefit of children. May orphanage kami na tinutulungan so towards the end of the year, we’re planning a big concert for that,” giit pa ni Jed.

Nangangarap din si Jed na makasama sa isang concert si Regine Velasquez dahil hindi pa niya kailan man nakasama sa isang concert ang Asia’s Songbird. - Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments