Isabelle hirap umiyak, mas gusto pang manampal

“Frenemies” ni Maxene Magalona ang description ni Isabelle Daza sa role niya sa Faithfully ng GMA 7 na magpa-pilot sa Monday, June 17. First drama project niya ito, kaya big challenge sa kanya. Natawa kami sa inaming para sa kanya mas mahirap ang umiyak kesa manampal.

Diaz ay for her to always do her best at ibigay ang lahat sa mga eksena niya and to appreciate ang projects na ibinibigay ng network.

“Ni-remind din ako ng mom ko na hindi lang ako ang pagod, ka­ming lahat, at masuwerte ako to be part of Faithfully and this network at ’di ko makakalimutan ’yun. I’m lucky dahil mababait ang co-stars ko at si Direk Mike Tuviera,” sabi ni Isabelle.

   Napapanood din si Isabelle sa I-Bilib, Party Pilipinas, at ka-alternate siya ni Solenn Heussaff sa Eat…Bulaga (she’s on the air Tuesday, Thursday, Saturday). Sa biro ng press na mayaman na siya, ang sabi ng dalaga, habang lumalaki ang kita niya ay lumalaki rin ang gastos.

Rufa Mae nadagdagan na ang palabas sa TV5

Dalawa na ang shows ni Rufa Mae Quinto sa TV5 dahil bukod sa Will Time Big Time, kasama na rin siya sa fantasy-drama ng istasyon na Enchanted Garden. Maging dahilan kaya ito sa tuluyang pag-alis ni Rufa Mae sa GMA 7, kung saan, nasa Bubble Gang pa rin siya?

Naitanong ng press kay Atty. Felipe Gozon ang status ni Rufa Mae sa GMA 7 at sabi nito, tapos na ang kontrata ng komedyana at hindi na ni-renew. Ang alam namin, sa Bubble Gang na lang ang kontrata ni Rufa Mae at thankful na pinapayagan siyang lumabas sa TV5. Ngayong dalawa na ang shows nito, okay pa kaya sa Channel 7 na nag­lalagare sa dalawang networks si Rufa Mae?

Rita pinagpapahinga ng doktor

Namatay na ang karakter ni Rita Avila sa Walang Hanggan at sabi, for health reason kung bakit tsinugi na si Jane (name ng karakter niya).

Tineks namin ang aktres tungkol dito at heto ang sagot: “Doctor’s order to rest. ’Wag nang pag-usapan kung bakit dahil it shall only attract nega­tive vibes. ’Di naman malala but, I need to rest. Tough decision to leave a no. 1 soap but too bad, kelangan talaga. I shud have resigned months ago but we agreed to finish 1 season. For the love of our loyal followers.”

Hindi nabanggit ni Rita kung hanggang kailan siya magpapahinga pero may naniniwalang babalik din ang karakter niya na ’di raw ipinakita ang katawan.

GMA 7 hindi ipinagdadamot ang talents sa ibang network

Sa presscon pa rin ni Atty. Felipe Gozon, natanong ito kung bakit pinapayagan nilang mag-guest sa ibang network kahit ang talents nilang may exclusive contract? Ang sagot nito ay “very selectively” at kung may valid reason.

Bakit sila pumapayag na ma-pirate ang talents nila?

 “Kung wala kaming maibigay na project at may chance silang kumita sa iba, pinapayagan namin. Hindi kami selfish. Like si Paolo (Ballesteros), nagpaalam ng maayos at may blessing ang paglipat niya,” pahayag ng GMA 7 boss.

Iba raw ang kaso nina Iwa Moto at Mo Twister na umalis at lumipat kahit may kontrata pa sa Channel 7. Baka magkaroon daw ng kaso si Iwa, at si Mo naman hindi umuuwi at ’di makasuhan.

Sa paglipat ng Miss World-Philippines sa TV5, si Bang Arespacochaga ang sumagot. Blocktimer at one year lang ang contract sa kanila ng producer when it was offered to Channel 7 again kaso nag-offer ng better deal ang TV5 kaya nawala sa kanila.

 Anyway, nabanggit ni Atty. Gozon na dahil okay na ang ratings ng Kapuso shows sa Luzon ay sa Visayas at Mindanao na ang focus nila ngayon. Ipinapadala nila ang talents nila sa Visayas at Mindanao to promote the network at shows at positive ang result. Kahit magastos, positive ang resulta.

Show comments