^

PSN Showbiz

Away nina Annabelle at Nadia lumalala na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari, na mas lumala pa ang away na namamagitan kina Mama Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Nagpalabas ang korte ng warrant of arrest kay Mama Annabelle dahilan sa hindi nito pagsipot sa hearing ng kasong libel na isinampa sa kanya ni Nadia.

Wala yata ang matriarka ng pamilya Gutierrez sa bansa kaya hindi nakarating pero sa June 25 ay kailangang magpakita na siya para umusad ang kanilang kaso.

Kahit nasa TV5 na Iwa babalikan pa ang kaso sa GMA 7

Hindi pa man siya nakakapag-establish ng kanyang posisyon sa TV5, baka kasuhan pa ng GMA 7 si Iwa Moto dahilan sa kanyang biglang paglipat gayong wala pa silang pinagkakasunduan o pinagkakaayusan ng iniwan niyang istasyon.

Oo nga naman, Iwa, bakit hindi ka muna nagpaalam ng mahusay? Hindi ka naman si­guro pipigilan ng GMA kung mapa­paayos ka sa bagong pupuntahan mo. Ngayon, imbes maka­pagtrabaho ka agad ay ba­ka asunto pa ang abutin mo. Eh mahaba ang mga ganitong proseso at habang nagaganap ito ay hindi ka makapagtatrabaho. Baka hindi mo kayanin.

Kaya ang maipapayo ko sa iyo ay makipag-ayos ka na, huwag mo nang palalain pa ang isyu.

Mo babanggain naman si KC

Ikaw naman Mo Twister, tigilan mo na si Rhian

Ramos. Ikaw din, hindi na siya nag-iisa. Meron na siyang tagapagtanggol, kung totoo na sila na nga ni KC Montero. Friends kayo ni KC. Gugustuhin mo bang isakripisyo ang pagkakaibigan n’yo para lamang sa personal mong vendetta kay Rhian dahilan lamang sa umayaw na ito sa iyo?

May pasasabugin tungkol sa kanya, at maging kay Rhian. So, what will it be Mo, a war between friends o silence for a friend’s chance to love again?

Pacman hindi napaghandaan si Bradley

Bakit nga naman hindi tatanggapin ni Congressman Manny Pacquiao ng tahimik ang desisyon ng mga tumayong hurado sa naging laban niya kay Tim Bradley, Jr. eh meron pa naman siyang natitirang walong dibisyon na hinahawakan sa boksing? At natalo man siya, malaki naman ang kinita niya, kaya nga madadala pa niya ang pamilya niya sa isang European trip.

Amor propio lang ang naapektuhan sa kanya, kahit isang mahalagang leksiyon ang dapat ay natu­tunan niya. Dapat expected na niya ang istilo ng boksing ni Bradley at dapat mapaghandaan na niya. Ano ang nangyari?

BRADLEY

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

IKAW

IWA MOTO

MAMA ANNABELLE

MAMA ANNABELLE RAMA

MO TWISTER

NADIA MONTENEGRO

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with