MVP may sinabing top secret!
Holiday kahapon pero dalawa ang meeting na pinuntahan ko.
Lunchtime nang magkita kami ng mag-asawang Chaye Cabal-Revilla at Bacoor Mayor Strike Revilla.
Na-touch ako dahil kahapon ang first wedding anniversary nina Chaye at Strike pero pinili nila na magkasama kami.
Napag-usapan namin ni Strike ang nalalapit na plebiscite para sa cityhood ng Bacoor, Cavite.
Ibinalita niya na pabor ang mga kababayan niya sa Bacoor na maging city na ang kanilang bayan.
Ipinaliwanag sa akin ni Mayor Strike ang mga benepisyo kapag naging siyudad ang Bacoor kaya ang taumbayan ang higit na makikinabang.
Na-witness ko kahapon ang solid support ni Chaye sa kanyang asawa.
Public servant at hindi pulitiko ang tawag ni Chaye sa kanyang beloved husband na naranasan din na maging artista noong bagets pa.
Lumabas noon si Strike sa mga pelikula ng Imus Productions pero hindi niya talaga hilig ang umarte.
Corporate secretary na lang ang tanging participation ngayon ni Strike sa Imus Productions.
Ipinaubaya na lang ni Strike sa kanyang mga kapatid ang management ng movie outfit na itinatag ng kanilang ama, si former Senator Ramon Revilla, Sr.
Si Chaye ang finance officer ng PLDT at tatay-tatayan niya si Papa Manny V. Pangilinan.
Si Chaye rin ang dahilan kaya nakausap ko kahapon sa cell phone si Papa MVP na nagtatrabaho kahapon, kesehodang holiday.
Ang pag-uusap namin ni Papa MVP ang highlight ng Independence Day celebration ko kahapon dahil may sinabi siya na nagpaligaya sa akin.
Sorry, hindi ko puwedeng i-share ang dialogue sa akin ni Papa MVP dahil secret pa as in big secret.
After ng meeting namin nina Chaye at Strike, hindi na ako umalis sa Annabel’s dahil dito rin ang meeting place namin ni Alfred Vargas.
Pumayat si Alfred dahil sa rami ng kanyang mga ginagawa.
Busy si Alfred sa paglilingkod sa kanyang constituents sa District 2 ng Quezon City.
Tinatapos din ni Alfred ang shooting ng Supremo, ang bio-film ni Gat Andres Bonifacio Sa August 2012 ang target playdate ng Supremo.
Ibinalita ni Alfred na may plano sila ng kanyang business partners na isali sa international film festivals ang pelikula na pinagbibidahan niya.
Gustung-gusto na ni Alfred na magpagupit ng buhok pero hindi pa niya magawa dahil hindi pa tapos ang shooting ng Supremo.
- Latest