Pustiso ni Angeline, dapat ayusin
Unfair naman ‘yung nagsasabing walang acting si Angeline Quinto sa Born to Love You. She delivered lahat nang ni-require sa kanya, mula sa pagda-drama hanggang sa pagpapatawa. Pumayag din siyang magbigay ng lip service kay Coco Martin na ewan ko lang kung binawasan dahil parang mga tatlong beses lang sila nagkaroon ng kissing scene gayung sa presscon para sa movie ay nagbigay sila ng impresyon na marami silang kissing scene. Ang kailangan lang sigurong pag-aralan ng cameraman ay ang tamang anggulo niya. Minsan kasi ang ganda ganda niya pero, minsan din hindi.
She should also have her dentures fixed. Okay ito kapag kumakanta siya pero, hindi kapag nagde-deliver siya ng mga lines niya. Hindi kaya napuna ng production design na magaganda ang mga damit, sapatos, at accessories niya para sa isang mahirap?
Pacman nanahimik!
Kung marami ang nalukungkot sa pagkatalo ni Manny Pacquiao sa naging laban niya kay Timothy Bradley, mas nakahihigit ang bilang ng nagagalit dahil sa napanood nilang video ng laban na kung saan ay maliwanag na nakita nila na nanalo ang ating kampiyon pero hindi sa score.
Pero kung mismong si Manny ay tinanggap ang kanyang pagkatalo like a true gentleman, samahan na lang natin siya sa kanyang pananahimik. Let us just wish na mabiyayaan si Manny ng isang rematch. At sana sa susunod, hindi lang sa wheelchair mag-land si Brandley kundi sa isa ng stretcher.
Kris nagpaliwanag kay Ynna
It was nice naman of Kris Bernal na i-text si Ynna Asistio na lahat ng mga lumalabas tungkol sa kanila ng boyfriend nitong si Mark Herras ay bunga ng tuksuhan lamang dahil unti-unti nang naniniwala ang mga TV viewers sa relasyon nila sa serye nilang Hiram na Puso.
Mario Maurer ipapareha rin kay Iza
Nagiging paboritong leading man ng mga local producers natin ang Thai actor na si Mario Maurer. Mayroon itong entry para sa MMFF kasama si Iza Calzado. Kailangang maipalabas muna ang ginagawa nilang pelikula ni Erich Gonzales para mas makilala pa siya ng manonood. Kapag pumatok ang Suddenly It’s Magic, made na siya locally.
Mukhang babawi naman si Gov. George Ejercito sa MMFF. Bukod sa entry ng Scenema Concept International na El Presidente na nagtatampok bukod sa kanya at kay Nora Aunor din ay may isa pa ring isang entry mula kay Brillante Mendoza, ang Sa ‘Yong Sinapupunan (Thy womb).
Nagsumite rin siya ng isa pang entry, isang maaksiyong pelikula na maglulunsad sa anak niyang si Jerich Ejercito sa pagkabituin. Ito ang Ben Tumbling.
Walong pelikula ang makakasali sa MMFF 2012. Kaya may malalaglag sa 14 na nagsumite. Ang iba pa ay ang Shake Rattle & Roll ng Regal; Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel Productions; ang wala pang titulong pagsasamahan nina Kris Aquino at Vice Ganda sa Star Cinema/Viva; Juan de la Cruz ng Cinemedia Films starring Coco Martin, Jake Cuenca at Maja Salvador; Si Agimat, si Enteng Kabisote and Me ng MZET, Imus, Octo-Arts, TAPE at GMA; Conyo Problems ng GMA; The Strangers ng Quantum Films at Death March na nagtatampok kay Zanjoe Marudo.
- Latest