Si John Lloyd Cruz 'pinili' ng Cinema One

MANILA, Philippines – Si John Lloyd Cruz (JLC) ang napiling aktor ng Cinema One ngayong Hunyo para sa Numero Uno. Ipapalabas sa mga piling araw ng Hunyo ang mga pinakamagagandang pelikula ni JLC. Abangan ang mga titulong One More Chance (June 13), In My Life (June 20) at Miss You Like Crazy (June 27) na ipapalabas sa Wednesday Winners ng Cinema One tuwing 6:00 p.m. habang ang Now That I Have You (June 18), Close To You (June 19), My Amnesia Girl (June 20), A Very Special Love (June 21) at You Changed My Life (June 22) ay ipapalabas sa Must-See Movies simula June 18 – 22 tuwing 5:00 p.m. Available ang Cinema One sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang cable operators.

Show comments