Kasama rin si Jolina Magdangal sa My Daddy Dearest bilang asawa ni Ogie Alcasid. First time nilang magkasama sa teleserye dahil sa kantahan lang sila nagsasama kapag nasa Party Pilipinas.
Sa kabilang banda, pitong buwan na silang nagsasama ni Mark Escueta bilang mag-asawa pero hindi pa rin makabuo ang mag-asawa. Katuwiran naman ni Jolens, kung ibibigay ni Lord ay isa ’yung malaking blessing.
Ayon pa kay Jolens, kasalukuyan pa rin silang naghahanap ng bahay somewhere in Quezon City at pansamantalang naninirahan sa bahay ng parents ng asawa. Mababait naman ang kanyang in-laws.
Nagbiro nga ang singer-actress na parang nagbabahay-bahayan lang sila ni Mark sa sarili nilang kuwartong mag-asawa na siya ang naglilinis.
Madagascar 3 tumipak sa takilya
Gaya nang inaasahan, tumipak sa takilya ang Madagascar 3: Europe’s Most Wanted kaya masayang-masaya ang ambiance sa Solar UIP office.
Tuwang-tuwa ang mga bata sa panonood dahil para silang bahagi ng pelikula at kasama ang mga hayop. Nagsisigawan ang mga bata at na-enjoy nila ang movie habang naka-3D glasses. Palabas pa rin ang Madagascar 3 at patuloy na pinipilahan ng mga tao.