Sigurado ako na maski na si
Martin Nieveraay aamin na pinakamagandang concert ng kanyang kaibigan at itinuturing na archrival na si
Gary Valencianoang katatapos lamang na concert series ni Mr. Pure Energy sa Music Museum nung Biyernes at Sabado, June 8 and 9.
Repeat na nga lamang ’yung On Higher Ground na maituturing pero puno pa rin ang popular na venue na parang napakaliit sa kalibre ng isang Gary V. Ito ay sa kabila ng mga walong gabi o apat na weekends na pagbibigay ng nagdiriwang ng kanyang ika-29 na anibersaryo sa showbiz ng isang napakagandang panoorin.
Selebrasyon din ito ng kumpanyang itinataguyod nila ng kanyang kabiyak na si Angeli Pangilinan-Valenciano na 25 taon nang natatatag, ang Genesis Entertainment.
I wasn’t feeling well that Friday evening pero dahil isa akong fan ni Gary V. at napanood ang halos lahat nang ginawa niyang konsiyerto, I couldn’t miss On Higher Ground. True enough, kung hindi ako nanood ng kanyang unang repeat, may pagsisisihan ako ng malaki.
On Higher Ground is Gary V.’s best concert. High technology ang concept na buong galing nilang naitawid ng kanyang anak na si Paolo Valenciano na siyang co-director niya sa show. Akala ko nga nung una ay madi-disappoint ako dahil akala ko minus ones ang gagamitin niya. Wala kasi akong nakitang live band sa stage na akala ko rin ay napaka-simple at walang kaima-imagination until I saw ang ginawa nila para mapaganda ito sa pamamagitan ng video.
Habang kumakanta si Gary, nagiiba-iba ang set ng stage. Isa isa ring naglabasan sa video ang kanyang four-piece band na pinamumunuan ni Mon Faustino at nagtatampok din sa matagal ko nang hindi napapanood na si Juan Miguel Salvador.
Bago matapos ang tugtog nila, nagiging “totoong tao” na sila at pumupunta na sa mga tagong lugar sa stage na nabubuksan at nasasarahan kung kailan kailangan. Nagiging isang magandang tanawin din ang stage sa bawat kanta ni Gary V. Sa isang portion ay nakasabay pa niya sa pagkanta ang apat pang karakter niya. May mga napanood na akong singer na nakikipag-duet sa kanyang sarili pero it was my first time to see somebody making up a quintet. May voicing, ang ganda ng blending nila!
Kahit may nararamdaman na akong hindi maganda sa aking katawan, hindi ako puwedeng hindi tumayo at sumayaw sa isang Gary V. concert. Hindi makukumpleto ang gabi ko.
I’ve always admired Martin Nievera for his voice. Sa akin walang tatalo sa kanya sa pagandahan ng boses. He’s a darling to listen to. Pero pagdating sa total performance, Gary V. is second to none. And with his high-tech On Higher Ground, sigurado ako na mag-iisip din si Martin ng isang magandang concept sa susunod niyang concert para hindi siya mapag-iwanan ng kanyang kaibigan.
On Higher Ground is a solo concert for Gary except dun sa collaboration duet nila ng isang magaling din singer na nagngangalang Julianne.
Andun din si Sarah Geronimo pero on video lang. ’Yun namang magaling na rapper, I believe, front acted only for him. Mahaba ang show pero bitin pa rin ang mga tao.
Kris Bernal nape-pressure
Sa pagtatapos ng mga pang-hapong serye ng GMA 7 na The Good Daughter at ang nalalapit na pagtatapos ng The Broken Vow, maiiwan sa balikat ng cast ng Hiram Na Puso ang pagpapanatili sa network ng pagtangkilik ng manonood. Nagsisimula pa lamang ang ilang mga teleserye ng Kapuso Network kaya naninimbang pa at pinakikiramdaman ng mga manonood kung may promise o wala ang mga bagong palabas bago nila ito tangkilikin ng husto.
Kaya hindi lang si Kris Bernal ang nakakaramdam ng malakas na pressure kundi ang ibang cast ng Hiram Na Puso para mahawakan at hindi lumipat ang mga suki ng Siete sa hapon.
Nagbabadya namang manghikayat ng karagdagang manonood ang Hiyas ng Kapamilya Network sa bagong programa na naglulunsad kay Megan Young sa pagkabida at naglagay kay Ella Cruz bilang Aryana sa isang mas mataas na estado.