Sa July na raw darating si Hilda Koronel, hindi para magbakasyon, kundi para gumawa ng pelikula. Kasama siya sa The Mistress nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Ronaldo Valdez sa direction ni Olive Lamasan.
Matagal nang nasa Amerika si Hilda at matagal na hindi gumagawa ng pelikula kaya siguradong matutuwa ang fans nito.
Hindi kami magugulat kung kunin na rin siya ng ABS-CBN para gumawa ng soap sa istasyon.
Eugene feel na feel ang pagiging singer
Paborito ni Eugene Domingo ang APO, kaya natuwa na kasama siya sa pelikulang I Do Bidoobidoo ng Unitel Pictures na batay sa musika ng APO. Kinanta niya ang ‘Di Na Natuto at Batang-Bata Ka Pa kasama sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.
Challenge kay Eugene ang makasama sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano na mga kilalang singers. Kinahaban siya noong una silang mag-recording, later on, lumevel na siya at wish nitong magkaroon ng OST ang movie para ma-record ang pagkanta niya kasama ang tatlo.
Sa August 15, ang playdate ng I Do Bidoo Bidoo sa direction ni Chris Martinez, mauuna ang showing ng Kimmy Dora & The Temple of the Kiyeme sa June 13, sa script ni Chris at direction ni Joyce Bernal.
Mag-inang Jean at Jennica hindi na halos nagkikita
Halos hindi na nagkikita ang mag-inang Jean at Jennica Garcia dahil pareho ang taping schedule nila. Siya sa One True Love at si Jennica sa Kailangan Bang Ibigin Ka? at may Personalan pa siya (Jean) sa GMA News TV. Kung magkita man, nag-aalaman na lang sila ng kanilang location at magtatawagan na lang.
Natuwa si Jean sa kinuwento ng press na nag-iipon si Jennica para makabili sila ng bahay, pero naalalang humingi ng Balenciaga bag ang anak. Nagbirong ilan pa kayang mamahaling bag ang ilalambing ng anak bago ito makaipon?
GMA 7 nasunod sa Basement
Kung matutuloy, sa June 12 na ang first shooting day ng horror movie ng GMA Films at Reality Entertainment ni Dondon Monteverde na Basement to be directed by Topel Lee. Lahat ng kababalaghan at katatakutang eksena ng pelikula ay sa basement lahat mangyayari.
Sa nabasa naming cast, nasunod ang gusto ng GMA Films na majority ng cast ay talent ng GMA 7 at GMA Artist Center. Kasama na sina Sarah Lahbati, Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Enzo Pineda, Ellen Adarna at Mona Louise Rey.
Narito rin sina Pilita Corrales, Kevin Santos, Pekto, Rodfill, Alvin Aragon, Teejay Marquez, Dion Ignacio, Dex Quindoza, Ron Padilla at Chynna Ortaleza.