Manila, Philippines - Samahan sina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ngayong Linggo ng gabi para sa sandamakmak na katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa Pare & Pare!
Alamin kung ano ang nakakatuwa sa mga Uso Ngayong Linggo: Ano ang tunay na nangyari sa huling araw ng primetime teleserye na My Beloved? Saan pa ba nakita ang heavenly phenomenon na transit of Venus? Kilalanin ang mga bibong bata na hindi nakasama sa finals ng Eat Bulaga Pinoy Henyo.
Abangan din ang behind-the-scenes video na nakuha nang matapos ang laban nina Bradley at Pacman.
Makihula at makigulo sa Masa Poll na pinamagatang Who’s Da Boy? Who’s Da Girl?, kung saan pahuhulaan kung boy o girl ang mga nakilala ng Pare & Pare sa kalye.
Makakasama rin ng real-life magkumpare ang Eat Bulaga host at Daddy Dearest co-star ni Ogie na si Pauleen Luna para pag-usapan ang kanyang fear of heights, ang mga nangyaring aksidente sa buhay niya at kung mas type nga ba niya ang komedyante… bilang katrabaho? Sasabak din ang dating Little Miss Philippines contestant sa larong Pinoy Henyo.
Mga artistang may balak tumakbo naman ang laman ng headlines at nakatutuwang komentaryo sa Sabi-Sabi Po. Tandaan, ang mapikon, pangit.
Magpapalit naman ng flat tire ang tip na ibibigay nina Barako Papa at Barako Mama sa nakakabaliw na Barako Tips.
Pagdating sa kantahan, ang hottest all-female rock group na General Luna ang magpapakitang gilas sa kanilang rare televised performance ng Katy Perry hit na Firework at ng kanilang hit na Tila.
Sino naman kaya ang mga kakantahan nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ng kanilang version ng nakaka-LSS na kantang What Makes You Beautiful ng all-male pop group na One Direction?
Mag-enjoy at makisama sa kasiyahan sa Pare & Pare pagkatapos ng Pinoy Adventures.