Hindi afraid si Mama Vi na ipakita sa buong mundo ang kanyang SALN dahil kung anuman ang meron siya ngayon, pinaghirapan niya. Open book ang life story ni Mama Vi dahil alam ng lahat na 9-years old pa lang, nagtatrabaho na siya.
Marunong humawak ng pera si Mama Vi dahil naranasan niya noon na magkaroon ng problema sa BIR pero na-settle ang lahat ng kanyang mga financial obligation. Nakabawi si Vilma dahil gumawa siya noon ng napakaraming pelikula na talagang pinilahan sa takilya.
Basta Vilma Santos movie, certified hit sa box office kaya hindi nawalan si Mama Vi ng mga movie project.
Hindi na mauulit at mahirap nang mapantayan ang achievements ni Vilma bilang aktres at box-office star dahil sa kalagayan ngayon ng local movie industry.
Pupunta si Mama Vi at ang kanyang pamilya sa ibang bansa. Matagal nang nakaplano ang biyahe nila ni Senator Ralph Recto kaya naglambing siya sa Star Cinema executives na ilipat sa ibang araw ang playdate ng The Healing para ma-promote niya ng todo ang kanyang pelikula.
Si Chito Roño ang direktor ng The Healing. Gamay na gamay nila ni Mama Vi ang ugali ng isa’t isa kaya walang naging problema sa shooting ng The Healing.
Memorable kay Mama Vi ang 2012 dahil ngayon ang 50th anniversary ng kanyang acting career. Year 1962 nang magsimula ang showbiz career ni Mama Vi bilang childstar dahil siya ang gumanap na bida sa Trudis Liit.
‘Nakakalokang traffic’
Nakakaloka ang trapik sa C5 noong Huwebes dahil sa sobrang dami ng mga sasakyan. Umalis ako sa Heritage Park ng 7:30 pm at dumating ako sa bahay ko sa Fairview nang halos 11:00 p.m. Ganyan katindi ang dusa na inabot ko dahil sa overacting na traffic situation sa C5.
Fully-booked ang schedule ko noong Huwebes dahil dumalo nga ako sa presscon ng Generics Pharmacy para kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Makati Shangri-La at mula dito, dumiretso ako sa Heritage Park para sa misa ng ika-apat na anibersaryo ng kamatayan ni Rudy Fernandez.
Magkasunod na araw ang misa na pinuntahan ko, ang Thanksgiving Mass para sa successful run ng Alice Bungisngis sa GMA Network Inc. Building noong Miyerkules at ang pamisa ni Lorna Tolentino para kay Daboy noong Huwebes.
Nagkita kami ni Telly Acuba sa Heritage Park at dito niya ibinigay sa akin ang mga pinya na ani mula sa farm ni LT sa Cavite
Pagkasarap-sarap kainin ng mga pinya na sobrang tamis kaya ipinagmamalaki ni Lorna.
Pauwi pa lang ako sa bahay ng 10:30 p.m. nang tawagan ko si Lorna sa kanyang cell phone para kumustahin kung nasaan na siya. Ang sagot niya, nasa Silang, Cavite na siya dahil pupuntahan niya ang kanyang farm sa Gen. Aguinaldo, Cavite! Imagine, mas mabilis pa ang biyahe niya papunta sa Cavite habang nasa gitna pa rin ako ng horrible traffic sa Metro Manila?
Shake…hindi pa mamaMahinga
Si Chito pala ang direktor ng Shake, Rattle & Roll 14 as in siya ang mamamahala sa lahat ng mga episode.
Isasali ng Regal Entertainment Inc. ang Shake, Rattle & Roll sa 2012 Metro Manila Film Festival kaya hindi totoo ang balita noon na ititigil na ni Mother Lily Monteverde ang never-ending franchise ng horror movie na pinasikat ng kanyang film outfit.
Hindi kumpleto ang MMFF kung walang Shake, Rattle & Roll.