^

PSN Showbiz

Paano ba magpabago ng puwet?

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bawat isa sa ati’y may  pangarap at kung pa­ano matutupad ito’y itatampok ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa Life And Style with Ricky Reyes na prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

“Marami sa atin ang mainipin. Parang sa mo­der­nong panaho’y hangad nating “instant” o madalian ang mga kaganapan sa buhay.  Parang ins­tant coffee, instant tea, atbp.  Ang mga panoorin sa LSWRR ay tungkol sa mga success story ng iba-ibang klase ng tao na ‘di bumitiw sa pangarap at naniniwalang – habang may buhay ay may pag-asa,” sabi ni Mader Ricky na host-producer ng prog­rama.

May interbyu sa mga kinoronahang finalist ng Miss Earth 2012 na magsasalaysay ng pinag­da­a­nang hirap bago nila nakamit ang tagumpay. Ang mga ito’y sina Miss Eco-Tourism Mary Claudine Ramos, Miss Phil-Water Samantha Purvor, Miss Earth Stephany Stefanovitz, Miss Phil-Air Glennifer Perido, at Miss Phil-Fire Thoreen Malvorse.

Dalubhasa sa sakit na cancer si Dr. Tranquilino Elicaño, pero dahil sa isang malubhang sakit ay nang­hina siya at ‘di nakalakad nang walang tungkod.  Matapos sumailalim sa isang Fresh Stem Cell The­rapy ay bumalik ang lakas at kalusugan ng mabait na doktor na kasama.

Mahirap kumita ng pera. Grabe ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa. Tutukan ang pagbibigay ng tip sa mga nagnanais magtayo ng sariling negos­yo.  Mula ito sa mga taong nagtiyaga, nagsipag at ‘di lang nangarap.

Eto ang “instant” … ang New You segment na isang simpleng bank officer ang inayusan ni Mader Ricky na ang ginamit na make up at accessory ay courtesy ng first  Philippines Leading Direct Selling Company na Natasha at napalitaw ang nata­tagong alindog at ganda.

Kung may problema sa katawan, huwag nang malungkot. Mayroong ipakikita sa LSWRR na pa­ra­an ng pagbabago ng puwet, pag-alis ng mga nu­nal at birthmark, pagpapalusog ng buhok. Pampababa ng weight at pati na pampataas.

vuukle comment

DR. TRANQUILINO ELICA

FRESH STEM CELL THE

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MISS EARTH

MISS EARTH STEPHANY STEFANOVITZ

MISS ECO-TOURISM MARY CLAUDINE RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with