Sistemang K-12, bubusisiin

Manila, Philippines -  Kasabay ng pagbabalik eskuwela ngayong taon ang pagsisimula ng sistemang pang-edukasyong K-12 sa bansa na ba­ga­ma’t pinapanukalang mas makatutulong sa mag-aaral na Pi­noy ay dagdag- kalbaryo lang daw sa mga magulang. Ngayon sa Patrol ng Pilipino, malalimang uusisain ni Jing Castañeda ang bagong sistemang ito ng Department of Education sa pamamagitan ng pagtimbang ng mga sinasabing mabuti at hindi mabuting katangian nito at ang mga paghahandang isinasagawa ng pamahalaan para sa implementasyon nito.

Nilalayong bigyan ng K-12 curriculum ng mas dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral at sapat na panahon para mahasa ang kanilang iba’t ibang kaka­yahan at husay sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawa pang antas sa dati’y apat na taon lang sa sekundarya. Handa na nga ba ang mga estudyanteng Pilipino sa pagba­bagong ito? Ano nga ba ang saloobin ng mga magulang tungkol dito?

Samantala, lilibutin naman ni Gretchen Malalad ang buong Ka­maynilaan para alamin kung tinutulungan ng ilang mga lungsod ang kakulangan ng mga pa­milyang matugunan ang pangangailangan ng mga batang estudyante nga­yong pasukan. Sa kanyang ulat, makikita rin ang taun-taong problemang hinaharap ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela City gaya ng pagbaha at kakulangan ng maayos na silid-aralan.

Alamin ang kuwento sa likod ng mga balita ngayon sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Show comments