PIK: Ngayong araw ang shoot ni Richard Gutierrez sa endorsement nito para sa flying school ng AMA Educational System.
Nakatakda na kasing i-launch ngayong buwan para pormal na buksan ang Delta Air Aviation School ng AMA para sa mga interesadong matutong maging piloto.
Kaya excited siya rito at nakadagdag pa sa kanyang excitement ang magandang rating at feedback sa Makapiling Kang Muli na nagsimula na kagabi.
PAK: Totoo kayang hindi tinanggap ng magandang aktres ang tsekeng ibinigay sa kanya ng isang actor/TV host.
Matagal nang nali-link ang dalawa, pero tahimik lang sila sa kanilang relasyon. Kaya gusto lang siguro ni aktor na magbigay ng something para sa magandang investment ngayon ni aktres.
Kaya lang, umiiwas na si aktres na maintriga pa lalo kaya hindi niya talaga tinanggap ang tsekeng ibinigay sa kanya ni aktor.
Kinabukasan ay parang nahimasmasan si aktres, sana sinilip man lang daw niya kung magkano ang nakalagay sa tseke.
Kinantahan na lang daw niya si aktor ng “nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko.”
BOOM: Lalong lumalakas ang bulung-bulungang merger ng Kapatid at Kapuso network.
Ayon pa sa isang nakakausap namin, sa November daw ang launch, at meron pa ngang date na November 25 daw.
Kaya nababalitaan naming may mga ilang Kapamilya stars na malapit nang matapos ang contract sa ABS-CBN 2 ang pinag-iisipan na raw ang paglipat either sa Kapatid o sa Kapuso.