^

PSN Showbiz

Ilang Kapamilya stars gustong lumipat sa pagsasamahing GMA 7 at TV5

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Ngayong araw ang shoot ni Richard Gutierrez sa endorsement nito para sa flying school ng AMA Educational System.

Nakatakda na kasing i-launch ngayong buwan para pormal na buksan ang Delta Air Aviation School ng AMA para sa mga interesadong matutong maging piloto.

Kaya excited siya rito at nakadagdag pa sa kanyang excitement ang magandang rating at feedback sa Makapiling Kang Muli na nagsimula na kagabi.

PAK: Totoo kayang hindi tinanggap ng magandang aktres ang tsekeng ibinigay sa kanya ng isang actor/TV host.

 Matagal nang nali-link ang dalawa, pero tahimik lang sila sa kanilang relasyon. Kaya gusto lang siguro ni aktor na magbigay ng something para sa magandang investment nga­yon ni aktres.

Kaya lang, umiiwas na si aktres na maintriga pa lalo kaya hindi niya talaga tinanggap ang tse­keng ibinigay sa kanya ni aktor.

Kinabukasan ay parang nahimasmasan si ak­tres, sana sinilip man lang daw niya kung magka­no ang nakalagay sa tseke.

Kinantahan na lang daw niya si aktor ng “nanghihinayang, nanghihina­yang ang puso ko.”

BOOM: Lalong lumalakas ang bulung-bulu­ngang merger ng Kapatid at Kapuso network.

Ayon pa sa isang nakakausap namin, sa November daw ang launch, at meron pa ngang date na November 25 daw.

Kaya nababalitaan naming may mga ilang Kapamilya stars na malapit nang matapos ang contract sa ABS-CBN 2 ang pinag-iisipan na raw ang pag­lipat either sa Kapatid o sa Kapuso.

vuukle comment

AYON

DELTA AIR AVIATION SCHOOL

EDUCATIONAL SYSTEM

KAPAMILYA

KAPATID

KAPUSO

KAYA

MAKAPILING KANG MULI

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with