Kris babalik sa The Buzz

Balik sa The Buzz sa Sunday si Kris Aquino, pero guest host lang siya dahil wala yata si Boy A­bunda. Kahit nakuwento na ng TV host-actress ang Caribbean cruise nilang mag-iina sa Kris TV, tiyak na may maidadagdag pa siya.

Nagsilbing bonding nina Kris at mga anak na Josh at Bimby ang Caribbean cruise, kung saan marami silang pinuntahan. Sa nabasa naming itine­rary, nagpunta sila sa Port Canaveral, Florida; Grand Cayman, Cayman Islands, Costa Maya at Cozumel, Mexico. Western Caribbean at Bahamian Cruise ang ginawa nina Kris.

Tuloy din ang out-of-town location ng Kris TV  at sa Thursday up to Saturday, nasa Laoag at Vigan si Kris at ang kanyang staff at crew.

Dingdong gustong ipanalo si Marian sa paseksihan

Nauna nang ipinakita ni Marian Rivera kay Ding­ong Dantes ang pictures niya sa Rouge ma­ga­zine at tiwala siya sa GF dahil kahit anong sexy ng pictorial, tasteful pa rin ang dating.

Gusto ni Dingdong na manalo sa FHM si Marian para raw malaman ng mundo kung gaano kaganda ang GF na kahit walang makeup, lutang ang ganda. That time, simpleng T-shirt na bigay ng fan ang suot ni Marian, pero panalo pa rin sa ganda.

Happy ba si Dingdong sa magiging ending ng My Beloved?

 “Ang dami pang mangyayari hanggang sa Friday, kahit kami nagulat sa unpredictable ending na resulta ng mga pinagdaanan ng lahat ng karakter. But I’m sure, may mga magre-react.”

Busy din si Dingdong sa kanyang AgostoDos Pro­ductions, showing na sa October ang Tiktik: As­wang Chronicles, pero gusto nitong maunang ipalabas ang Dance with the Steel Bars. Wish din nitong mai-prodyus ng movie si Marian.   

Frencheska galit pa rin kay Ervic

Parang may galit pa rin si Frencheska Farr kay Ervic Vijandre sa sagot na “wag mo siyang banggitin sa akin” nang kumustahin namin ang aktor. Dahil kaya ito sa nabanggit ni Ervic na liligawan niya si Frencheska? Pero dapat si Ervic ang magalit sa sinabi ng dalaga na binasted niya ito.

Anyway, balik-acting si Frencheska sa One True Love bilang kapatid ni Jean Garcia at challenge sa kanyang maging kapatid ng magaling na aktres. Excited din siya sa more matured role niya sa soap na pilot na sa June 11.

Samantala, pinatotohanan ni Frencheska na maganda ang binabasa niyang book na Fifty Shades of Grey ni EL James, mala-Twilight daw, mabasa nga rin.

Artist Academy at Protégé sabay magpapa-audition

Sabay ang audition ng Artist Academy ng TV5 at Protégé: The Battle for the Big Artista Break sa June 19, pero ang TV5, isang araw lang ang audition, second day naman ng Metro Manila audition ‘yun dahil June 18, palang may audition na sila.

Sa Smart Araneta Coliseum ang audition ng Artist Academy at sa Music Hall naman ng SM MOA ang audition ng Protégé. Maganda ito, ma­ka­­kapaglagare ang mga mag-o-audition at ang ‘di makakapasa sa kabila, puwedeng lumipat sa kabila.

Sina Dingdong Dantes, Carla Abellana, Max­ene Magalona, at Jennylyn Mercado ang hosts ng Protégé, wala pang in-announce na hosts ang Artist Academy.

Galing naman sa GMA 7 ang nasa likod ng Arists Academy. Si Wilma Galvante ang over-all consultant, si direk Mac Alejandre ang creati­ve consultant, si Louie Ignacio ang director at si Camille Gomba-Montano ang Program Ma­n­ager.

Show comments