Gerald at Sarah, hiwalay na agad!?

Kung noon ay napapabalitang nagkaka­mabutihan na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ay tila nabago na ang isyu ngayon. Diumano ay may nakakita raw kay Gerald na may kasamang ibang babae kamakailan. Ano kaya ang reaksiyon ni Sarah tungkol dito? “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala naman po akong karapatan din na magselos kung halimbawang manligaw siya. Single siya, single din ako,” nakangiting pahayag ni Sarah.

“Wala rin akong karapatang pigilan siya kung may gusto siyang i-date and vice versa. Sa nga­yon I am single, Sarah is single,” makahulugang sagot naman ni Gerald.

Matatandaang hindi rin magkasabay na dumating o pumunta ang dalawa sa premiere night ng Born to Love You noong isang linggo. Hindi rin daw alam ni Sarah na darating ang binata sa nasabing event kaya ikinagulat niya ito.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon? “We are friends at totoo po ‘yan at walang halong showbiz na sagot. Hindi po kami nagde-deny ng kahit ano. Okay po kaming magkaibigan,” giit pa ng Popstar Princess.

Denise pinaghahandaan si Martin

Si Martin Del Rosario na ang bagong makakatambal ni Denise Laurel para sa serye niyang Precious Hearts Roman­ces Presents Pintada.

Noon ay si Rafael Rossel ang nakatambal ni Denise sa ilang series ng PHR kaya siguradong mami-miss daw niya ang aktor ngayon. “Of course Raf is my best friend and he’s my comfort zone. We had a great collaboration. We know everything about each other. So this is also something fresh and I’m looking forward to getting to know Martin and seeing how chemistry works out. As an actress, you’re supposed to be able to work with anyone and deliver what the director wants. ‘Yun ang challenge,” pahayag ni Denise.

Limang taon ang agwat ng edad nina Denise at Martin kaya bagay na bagay sa kanilang dalawa ang role bilang isang binatang estudyante na mai-in love sa kanyang guro. “When I learned about this project, the first thing I told him was, ‘Don’t call me ate Denise.’ Ate Denise pa ang tawag niya sa akin. Seeing now that he’s a young man, it’s exciting to see how the love story comes together. It’s coming of age story, medyo controversial since he’s very young and the teacher will try not to fall in love with him,” paliwanag ng sexy actress.

Isang taon na rin ngayon ang anak ni Denise kaya naman puspusang paghahanda ang ginagawa ng aktres para sa ilang daring scenes na kanyang gagawin. “Magwo-workout talaga ako. I’m trying to get my abs back. I always look 25 pounds bigger on screen at hindi naman ako ‘yung tallest person ever,” pagtatapos ni Denise.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments