^

PSN Showbiz

Dalawang takas sa shootout sa Edsa isinuko dahil sa XXX

-

MANILA, Philippines - Dahil sa ipinalabas na ulat ng XXX sa naganap na shootout sa pagitan ng pulis at grupo ng mga kawatang nambibiktima sa mga pampasaherong bus sa EDSA noong nakaraang linggo, isinuko sa awtoridad kamakailan ang dalawa sa nakatakbong miyembro nito.

Tunghayan ang ekslusibong panayam ni Julius Babao sa kanila ngayong Lunes (June 4) at pakinggan ang bersyon ng kanilang kuwento sa naganap na engkwentro at kung ano ang isisiwalat nila tungkol sa kanilang sindikato.

Habang inaalam ni Julius ang panig ng mga mandurukot, tututukan naman ni Anthony Taberna ang hinaing ng isang nanga­ngarap maging seaman na matapos kumuha ng kursong Basic Safety Training bilang requirement sa pag-a-apply ay napag-alamang hindi na pala accredited o kinikilala ng Marina ang Philippine Seafarers Training Center kung saan siya nag-aral. Kaya naman napunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Nang puntahan ni Anthony ang naturang institusyon ay laking gulat niya ng malamang tumatanggap pa rin ito ng estudyante ga­yong matagal ng hindi kinikilala ang kanilang akredistasyon.

Tunghayan ang buong ulat ng XXX ngayong Lunes (June 4) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

ANTHONY TABERNA

BANDILA

BASIC SAFETY TRAINING

DAHIL

HABANG

JULIUS BABAO

KAYA

NANG

PHILIPPINE SEAFARERS TRAINING CENTER

TUNGHAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with