^

PSN Showbiz

Heart magsasalita na tungkol kay J.R.

-

MANILA, Philippines - Katatawanan, kuwentuhan at kantahan, ‘yan ang hatid nina Pareng Betoy (Michael V.) at Pareng Ogie (Alcasid) ngayong Linggo ng gabi sa Pare & Pare!

Ang mga pinag-uusapan at uso ngayong Linggo ang una nilang ihahain sa inyo, tulad ng bagong video’t ebidensiya ni Mon Tulfo at ang mga senador na nagtrending dahil sa kanilang CJ Corona impeachment speech. Ipapalabas din ang never-before-seen at supermega exclusive video ng monster performance ng dalawang idol singers na sina Jessica Sanchienes at Jennifer Holli-gay!

Abangan ang interview sa recently single again na si Heart Evangelista kung saan pag-uusapan ang mga lalaki… mga lalaking aso sa buhay niya. Wagas ba ang pagmamahal niya sa lalaking… aso na may initials na J.R.? At bakit ayaw niya sa asong may lahing Japanese? Cultural differences kaya? Malapit ba siya sa asong P-noy o aspin? Ano naman ang kinalaman ng komedyanteng si Tado sa paghahanap ni Heart ng kanyang ideal man?

Sa mga artistang nagpo-post ng mga pictures pero in denial naman sa kanilang “togetherness”, sino kaya ang guilty o not guilty? Abangan ang hatol ng mga senador sa Sabi-sabi Po. Tandaan, ang mapikon, talo.

Nagbabalik sina Barako Papa at Barako para magbigay ng tunay at astig na payo sa pag-aayos ng tumutulong gripo sa Barako Tips.

Pagdating sa kantahan, may mga litratong nag-inspire sa magkumpare para gumawa ng kantang pang katuwaan lang. Ang mapikon, guilty!

Mag-ingat din at baka ma-LSS o last song syndrome sa kanilang number sa sikat na kantang Call Me Maybe. 

Masayang samahan ang huling hirit ng magkumpare ngayong Linggo ng gabi sa Pare & Pare, pagkatapos ng Pinoy Adventures.

vuukle comment

ABANGAN

BARAKO PAPA

BARAKO TIPS

CALL ME MAYBE

HEART EVANGELISTA

JENNIFER HOLLI

JESSICA SANCHIENES

LINGGO

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with