Kim Chiu natakot lamutakin ang mukha ni Gov. Vi!

Pagudpod, Ilocos Norte — Muntik nang hindi magawa ni Kim Chiu ang isa sa mga huling eksena niya sa The Healing na nagtatampok kay Gobernadora Vilma Santos. Kinakailangan niyang lamutakin ang mukha ni Vi pero atubili siya dahil baka masak­tan niya ito. Kahit pa na-assure na siya ng goberna­dora na okay lang sa kanya kahit masaktan siya bas­ta gawin lang niya ang inaakala niyang tama ay nailang pa rin si Kim. Sa huli, nanaig rin ang pagiging propesyonal nila pareho. Magandang lumabas ang eksena at nasiyahan naman si Direk Chito Roño sa ipinamalas na effort ng batang aktres.

Samantala, may balik-tambalan pala sina Kim at Gerald Anderson. Isang pelikula ang nakatakda nilang pagsamahan bilang selebrasyon ng aniber­saryo na ika-20 taon ng Star Magic. Ito ang Crazy Love na sa kagustuhang masiguro ng network ang ta­gumpay ay igi-guest nila ang napakaraming big stars ng Star Magic, tulad nina Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at marami pa.

Pagudpod magandang pasyalan

Napakalayo. Kailangan ang kulang kulang sa 14 na oras na biyahe sa bus para marating ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang napakagandang Hannah’s Beach Resort and Convention Center na kung saan ay itinayo ng isang retiradong koronel sa army na tumutugon sa pangalang Ricardo Nolasco ang isang napakagandang pasyalan/paliguan na matatagpuan sa isang bundok na nakaharap sa China Sea.

Sa malayo, para itong isang subdivision dahil sa pareho-parehong ayos at laki ng mga bahay na nakatayo sa gilid ng bundok. Ito ang mga bahay na puwedeng arkilahin at gawing pansamantalang ti­ra­han at tulugan sa gabi habang sa araw ay ini-enjoy ng mga bakasyunista ang ganda ng dagat. Napag-alaman ko na nagmamay-ari rin ang aktor na si Jericho Rosales ng isang lote sa may katabing lugar na kung saan ay idinadaos niya ang kanyang hilig sa surfboard.

Hindi solo ng Hannah’s ang pag-aari ng resort sa lugar na ito, marami ring katabing lugar ang nagpapaupa ng bahay, bangka, bahay kubo, apartment, nagtitinda ng mga sitsirya at nagluluto ng pagkain para sa almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan para sa mga lumalangoy at naglilibot. Isang couple ang nakita kong ini-enjoy ang kanilang tanghaliang lobster habang kami ay naglilibot makatapos naming mananghalian sa napakaganda at sosing restaurant na matatagpuan sa loob ng Hannah’s.

 Salamat nga pala kay Sen. Bongbong Marcos na siyang nagpahiram ng bus para mara­ting ng 36 na miyembro ng PMPC ang kanyang lugar, ang Hannah’s Beach Resort at Convention Center sa pagpapatira at pagpapagamit sa amin ng kanilang pasilidad.

Alam kaya ng may-ari na hindi gumagana ang mga intercom sa mga kuwarto at hindi tumu­tugon ang mga personnel niya sa mga text messages and requests?

Anyways, salamat din sa mga nagbigay ng mga cash na ginawang papremyo sa maraming palaro na nagbigay ng karagdagang saya sa tatlong araw namin dun – sina Malou Choa Fagar, Boy Abunda, Jerry Yap ng National Press Club, Lito de Guzman, Rep. Cynthia Villar, Rams David, at TAPE, Inc.

Show comments