Ngayong araw ay nakatakdang lumaban ang nakatatandang kapatid ni Sam Milby na si Ada na miyembro ng Lady Volcanoes (counterpart ng Men’s National Rugby Team) versus Singapore. Gaganapin ang nasabing laban sa Cebu International School.
Ayon kay Sam, mahilig talaga silang magkapatid sa sports mula noong mga bata pa sila.
“Nag-football siya noong high school ’tapos nag-rugby na siya noong college. Ako wrestling and motocross naman ’yung sports ko,” bungad ni Sam. “I am very supportive of her kasi ’yan talaga ang gusto niya. I really plan on watching one of her games soon.”
Kalahok din ang Lady Volcanoes sa Asian Rugby Football Union tournament na gaganapin mula June 14 hanggang 16. Kasali rin sa nasabing tournament ang ibang bansa katulad ng Thailand, Laos, at Singapore. Samantala, dumalo si Sam sa katatapos pa lamang na premiere night ng pelikulang Born to Love You na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto. Humanga ang binata sa angking talento nina Coco at Angeline sa pag-arte.
“Actually I was surprised. Ang ganda ng movie, heartwarming and siyempre first movie ni Angeline. Sobrang natural ng chemistry nila so parang natural ’yung acting niya. I’m friends with both Coco and Angeline. ’Yung first acting for Angeline, I saw the trailer and nagulat ako kasi a lot of times from the trailer she just seems so natural in acting. I’m very excited for her. I know it’s going to be success obviously and you can always expect Coco to deliver,” paglalarawan pa ni Sam.
ELLA pinagkakaguluhan na ng mga tao
Mula nang magsimulang umere ang teleseryeng Aryana ni Ella Cruz ay marami na ang nakakakilala sa dalaga ngayon. Pinagkakaguluhan na rin si Ella kapag pumupunta siya sa mga pampublikong lugar.
“Noong lumalabas po ang teaser ng Aryana, sinasabi, ‘Oy! Si isda me.’ Noong lumabas na po ang Aryana, ‘Oy! Si Aryana! Tara pa-picture tayo!’
“Hindi katulad dati na lagi akong nasa Greenhills, wala pong pumapansin sa akin. Noong pumunta po ako ng Greenhills last Sunday po, talagang grabe po, parang ’di ako pumupunta sa Greenhills before. Nagkakagulo na rin po. Ang saya ng feeling kapag meron kang regular show,” nakangiting kuwento ni Ella.
Ngayon ay napi-pressue na rin si Ella dahil sa ratings ng kanilang serye.
“Siyempre kinakabahan po kami kasi minsan tataas, bababa, parang nakakakaba. Siyempre gusto mong ma-maintain ’yung mataas na ratings kaya kailangang igihan pa, galingan pa,” pagtatapat ng young actress. Reports from JAMES C. CANTOS