^

PSN Showbiz

Pacman ganado sa training, mga anak baka ma-trauma pag nanood ng totoong bugbugan?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ganado si Congressman Manny Pacquiao sa boxing training niya sa Wild Card Gym dahil kasama na niya ang kanyang asawa at mga anak.

May mga balita na panonoorin ng mga anak ni Papa Manny ang laban ng kanilang fadir kay Timothy Bradley sa June 9.

Ang tanong, allowed na ba ang mga bagets na manood sa MGM Grand? Ma-take kaya nila ang pakikipaglaban ng kanilang ama?   

Remember, iba ang scenario kapag aktuwal na pinapanood ang laban at iba sa TV. Baka ma-trauma ang mga bagets sa malakas na hiyawan ng audience sa loob ng MGM Grand.

Maganda ang resulta ng boxing training ni Papa Manny dahil walang mga distraction.

Peaceful at hindi problematic si Papa Manny ngayon. Malayung-malayo sa Manny na lumaban noong November 2011 kay Juan Manuel Marquez.

Hindi maganda ang performance ni Papa Manny sa laban nila ni Marquez dahil sa dami ng mga problema na dinadala niya noon.

Lumabas ang katotohanan na may problema noon sa relasyon nina Papa Manny at Jinkee dahil sa kuwento ni Freddie Roach na may divorce papers na natanggap ang Pambansang Kamao.

Malaki ang tsansa na mag-win si Papa Manny sa laban nila ni Bradley dahil nagbago na siya at ang kanyang lifestyle.

Tinalikuran na ni Papa Manny ang mga pangit na bisyo at nagbalik-loob siya kay God. Malaki ang maitutulong ng faith ni Manny kay God para matalo niya si Bradley.

Bubbles nagsalita na sa panunugod ni Maxene

Tinanong ko si Bubbles Paraiso sa presscon ng Kasalanan Bang Ibigin Ka tungkol sa tsismis na sinugod at inaway siya ni Maxene Magalona nang magkita sila sa Boracay.

Ang tsismis, sinugod at tinalakan ni Maxene si Bubbles dahil nali-link ito sa kanyang ex-boyfriend na si Neil Arce.

Nag-deny si Bubbles pero napansin ko na may kahulugan ang kanyang pagngiti bago niya sinagot ang tanong ko.

Ang sey ni Bubbles, matagal na silang magkaibigan ng ex-boyfriend ni Maxene at siya pa ang nagpakilala sa dalawa.

Hindi ako satisfied sa sagot ni Bubbles kaya inulit ko ang tanong ko, true ba na sinugod at inaway siya ni Maxene.

“ We’re having fun” at lasing daw silang lahat ang sagot sa akin ni Bubbles.

Sinabi ko kay Bubbles na naniniwala ako na may insidente na nangyari sa kanila ni Maxene dahil sa kanyang mga paiwas na sagot.

‘Chef Boy ‘di pa tumutupad sa pangako’

May mga nagtatanong kung imbyerna ba raw ako kay Senator Lito Lapid dahil sa column item ko kahapon tungkol sa kanya.

Walang reason para maimbyerna ako kay Lito. Nag-share lang ako sa readers ng aking pagtataka dahil sa kanyang paulit-ulit na pagsasabi na high school graduate lamang siya.

Hindi naman kasalanan ang maging high school graduate dahil marami akong kakilala na hindi nakatapos ng high school at college pero nagsumikap kaya mga naging successful sila.

Hindi nakatapos ng pag-aaral si Chef Boy Logro. Nasaan siya ngayon? Sikat na sikat na si Chef Boy, may culinary arts school sa Cavite at may mga regular show sa GMA 7.

Teka, may promise sa akin si Chef Boy na padadalhan niya ako ng mga pagkain na siya mismo ang nagluto.

Tapos na ang birthday ko pero hindi ko pa natatanggap ang OPM ni Chef Boy!

Good daughter papalitan ng magkaribal na mag-ama

Ngayon ang huling araw sa TV ng The Good Daughter dahil sa Lunes, magsisimula na ang Kasalanan Bang Ibigin Ka?

Mag-ama na na-in love sa isang babae ang plot ng bagong afternoon teleserye ng Kapuso network. Sina Michael de Mesa at Geoff Eigenmann na mag-ama sa tunay na buhay ang gaganap na magkaribal kay Jackie Rice sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?

vuukle comment

BUBBLES

CHEF BOY

DAHIL

KASALANAN BANG IBIGIN KA

KAY

MANNY

MAXENE

PAPA MANNY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with