Luna Blanca mas nagiging kaabang-abang

MANILA, Philippines - Mapipilitang magnakaw si Lolo Igme ng pagkain para kay Luna. Mabubugbog tuloy ng taong-bayan si Lolo.

Hihingi na ng tulong si Rowena sa awtoridad para mahanap sina Lolo Igme at Luna.

Pipigilan ni Luna ang mga tao pero huli na ang lahat, mawawalan na ng malay si Lolo Igme dahil sa bugbog na natamo.

Isusugod ni Luna si Lolo Igme sa ospital.

Panay na ang panalangin ni Blanca para mahanap na sina Luna at Lolo.

Ibibilin ni Lolo kay Luna na espesyal siyang bata dahil iba ang pinanggalingan niya pero kahit na anong mangyari ay dapat pa rin siyang maging mabait na bata.

Worried na worried na si Luna sa kalagayan ni Lolo Igme. Babalik siya kina Rowena.

Magkikita na sina Luna at Rowena.

Mas lalong naging kaabang-abang ang mga pangyayari sa pagpapatuloy ng kuwento ng Luna Blanca sa GMA 7 na sinusubaybayan gabi-gabi.

Show comments